Memoirs of a Counselor: My First Reactive Client
By: Jamie Titan Ang lahat ng mga detalyeng matatagpuan sa sumusunod na kuwento ay kathang isip lamang ng manunulat. Ang mga personal na karanasan ng manunulat bilang isang volunteer counselor sa LoveYourself ang nagsilbing inspirasyon para sa kwentong inyong mababasa. Ginagalang ng LoveYourself ang non-disclosure agreement sa pagitan ng client at ng counselor, at tinitiyak ng manunulat at ng mga patnugot ng website ng LoveYourself na sa pamamagitan ng paglathala ng mga taalarawang personal ay walang nalalabag sa kasunduang ito. Nilalayon ng manunulat at ng mga patnugot na maliwanagan at mabigyan ng perspektibo ang mga mambabasa ukol sa realidad ng HIV. Aligaga. Kung hindi tensyonado, kabado. Punong-puno ng emosyon. Ganito ko mailalarawan ang pakiramdam ng isang newbie tulad ko, lalo na at first time sasabak sa counseling session matapos ang mahaba-habang training ng Love Yourself, Inc. sa mga bago nitong volunteer counselors . Ang training na ito’y tinatawag na “Change Agent Prog...