Posts

Showing posts with the label Poetry

Lit Love: Community Quarantine

Image
TULA PARA KAY D Rolin Migyuel Cadallo Obina Nasa kalye ka na at nag-aabang ng masasakyan  Habang lumalangoy pa sa kama ang karamihan Kahit walang kasiguruhang gagaling ang mga may karamdaman Ikaw ay naglilingkod ng walang pag-aalinlangan Marami nang nakaratay sa iyong pagamutang pinagtatrabahuan Ang iba ay nakikipagbunuan na kay kamatayan Ngunit hindi mo ito kinatatakutan Bagkos maari ka nitong mahawaan Kubeta, lababo at lahat ng mga pasilyo ay iyong pinapaliguan Upang mapanghawang sakit ay hindi na makadapo kaninuman Pagod ay hindi alintana kahit sweldo ay may kababaan Ang mahalaga sa iyo ay mapaglingkuran ang iyong mga kababayan Diyanitor ang opisyal mong katungkulan Tagalinis ng mga mesang pinagkainan Ngunit sa panahong lahat ay maselan Buhay mo ay sa iba inilalan Paniguradong nangungulila ka na rin sa iyong pamilyang iniwan Sa tatay mong sumpungin o sa nanay mong kailangang alagaan O hindi kaya ay sa asawa mong mag-isang kumakain sa hapag-kainan O sa iyong anak na nagtatanong k...