Harana Chapter 2: That's What Friends Are Four
Past Harana Chapters: * Chapter 1 Harana Chapter 2: That's What Friends Are Four “ I own you now. ” Umalingawngaw sa isipan ni Ash ang bantang ito habang naglalakad sa maingay na pasilyo ng AS. Para bang wala siyang ibang naririnig na salitang nanggaling sa banda ni Trey sa freshie concert kinagabihan. Mukhang kilalang-kilala ang banda—naaalala niyang “Ready, Aim, Fire” ang pangalan, ngunit mas tumatak sa kanya ang presence ni Trey habang kumakanta. Mistulang galing sa kaluluwa ang boses niya at halos makalimutan na ni Ash na inaaway siya nito. Halong galit, pagkahanga, at takot ang nasa isip ni Ash pagbaba niya ng hagdan papunta sa bike rack ng AS basement. “ Kung magkita kami, di ko alam ang gagaAAH... ” Lumagpas sa hakbang ang paa ni Ash at dumulas siya sa hagdan, bumagsak nang paupo sa sahig nito’t tumilapon ang mga gamit niya sa paligid. “Aggh. Pwet ko…” sabay masahe ni Ash sa kanyang bugbog na likuran. “Shet! Okay ka lang?” Lumingon si Ash ...