Harana Chapter 8: I Would Runaway With(out) You
Past Harana Chapters: * Chapter 1 * Chapter 2 * Chapter 3 * Chapter 4 * Chapter 5 * Chapter 6 * Chapter 7 Harana Chapter 8 : I Would Runaway With(out) You December 11, Friday, ang bigayan ng class card para sa first sem. Thursday night pa lang ay hindi na mapakali si Ash; naiisip n'ya ang mga pinaggagawa niya noong nakaraang sem kung sapat na ba 'yon para makakuha siya ng mataas na marka. S’ympre kasama si Trey sa mga nagunita n'ya. Habang papalapit si Ash sa Engineering Building ay umikot-ikot at sumunod-sunod ang pusang kanyang kinagigiliwan, si Estrella Monella. "Ming-ming, alam ko na kung bakit ka nandito, alam mong bagsak ako noh?," agad na bati ni Ash. "Miaoooo," isang ungol lang ang narinig ni Ash mula sa pusa bago ito lumiban sa kanyang pagbati at nagtago sa halamanan. Tamang-tama naman ang pagkakit...