Posts

Showing posts with the label jerson

Harana Chapter 4: Fixing A Broken Bike

Image
Past Harana Chapters:       *  Chapter 1          *  Chapter 2       *   Chapter 3 Harana Chapter 4: Fixing A Broken Bike "Sasakay din naman pala e," bulong ni Trey sa sarili. Matagal ang biyahe. Tahimik ang dalawa. Nagpa-tugtog ng music si Trey para mapatid ang katahimikan. Nakatulog si Ash. Paminsan-minsan tinitingnan ni Trey ang kaniyang pasahero habang ito'y natutulog. Napaisip siya kung bakit ba ito sobrang nainis sa trip niya na para sa kaniya'y balewala lamang. Gabi na nang nakarating sila sa UP Diliman. Pagmulat ng mga mata ni Ash ay sumalubong sa kanya ang nakabihasnang karimlan at panatag na campus kapag gabi. Inunat nito ang kaniyang mga braso at huminga nang malalim. "We're here." sabi ni Trey. Hindi agad sumagot si Ash dahil iniisip niya kung ano ang mga huling sasabihin nito habang nakatingin sa labas taliwas sa direksyon ni Trey. "Hey, are you going to get off or what?" sabi ni Trey. "Sige. Salamat...