Memoirs of a Counselor: My First Reactive Client

By: Jamie Titan
Ang lahat ng mga detalyeng matatagpuan sa sumusunod na kuwento ay kathang isip lamang ng manunulat. Ang mga personal na karanasan ng manunulat bilang isang volunteer counselor sa LoveYourself ang nagsilbing inspirasyon para sa kwentong inyong mababasa. Ginagalang ng LoveYourself ang non-disclosure agreement sa pagitan ng client at ng counselor, at tinitiyak ng manunulat at ng mga patnugot ng website ng LoveYourself na sa pamamagitan ng paglathala ng mga taalarawang personal ay walang nalalabag sa kasunduang ito. Nilalayon ng manunulat at ng mga patnugot na maliwanagan at mabigyan ng perspektibo ang mga mambabasa ukol sa realidad ng HIV.


Aligaga. Kung hindi tensyonado, kabado. Punong-puno ng emosyon.
Ganito ko mailalarawan ang pakiramdam ng isang newbie tulad ko, lalo na at first time sasabak sa counseling session matapos ang mahaba-habang training ng Love Yourself, Inc. sa mga bago nitong volunteer counselors. Ang training na ito’y tinatawag na “Change Agent Program”.
Nagkaroon din ako ng pagkakataon na makausap ang ilan sa mga fellow counselors ko. Cholo and Marlon, both from batch Bigkis (I am from batch Katha), said they felt the same way as I did. Si Marlon halos maiyak daw right after his session; Cholo, on the other hand, got over his session with beer at a nearby bar in Eastwood.
Although may mga kakilala akong PLHIV (People Living with Human Immunodeficiency Virus) at ang ilan sa kanila ay malalapit kong kaibigan, iba pa rin pala ang pakiramdam kapag kaharap mo na ang isang taong hindi pa alam na may ganitong siyang sakit at ikaw mismo ang magbabalita na mayroon siya nito. Not all people respond the same way to HIV. Marahil mahirap tanggapin ng sarili ang katotohanan tungkol sa kaniyang HIV status kapag ito’y reactive, na siyang dahilan kung bakit marami sa mga PLHIV ay nagtatago na lamang sa labis na kahihiyan sa halip na humingi ng tulong upang magpagamot. At ito na nga ang tinatawag nilang stigma. Masasabi ko na marahil hindi talaga lubusang maihahanda ng mga HIV awareness programs ang mga damdamin ng isang tao kapag siya ay binabalitaan na siya mismo ay may HIV. Maaari nating sabihin na ang stigma, sa kabila ng ating pagsisikap na labanan ito, ay hindi lubusang mapapawi.
Naka-ugalian ko na ang manalangin muna kapag ako ay may isang bagay na gagawin - be it at work, creative projects as part of my hobby, or kung may mga travel man ako. Kaya naman, bago ako sumalang sa kauna-unahan kong pagsabak bilang isang newly trained counselor, nagpasalamat ako sa Diyos para sa pagkatataong maranasan ang ganitong eksena, at humingi ng gabay gayun din ng lakas upang makapaglingkod sa isang epektibo at taos-pusong paraan. Ipinanalangin ko rin na ang bawat client na makakaharap ko ay mabigyan ng lakas ng loob at pang-unawa para mapagdaanan ang counseling session.

Si Jessie (di tunay na pangalan) was my very first client. 2nd year high school siya ng maulila sa magulang na siyang dahilan at napilitang maghanap-buhay sa mura niyang katawan at isipan upang matustusan ang kanyang pag-aaral at makatawid sa araw-araw na buhay. Life has never been easy for him lalo na at wala siyang malapitang kamag-anak dito sa Manila dahil lahat ng mga ito ay nasa Bacolod.
Instead of going back to the province, mas pinili na niyang manatili na lang kaysa gumastos pa ng malaki para sa pamasahe na kung pangkain na nga lang niya, minsan ay kapos pa siya. Kung anu-anong klase ng trabaho ang pinasukan ni Jessie. Waiter sa isang cafeteria, crew ng isang fast food chain, at pagiging isang mensahero ng isang law firm hanggang sa naisipan na niyang tumigil na lang sa pag-aaral at gawing full time ang pagiging isang “masahista”. This guy is quite charming; he has plenty of avid customers. Halos tatlong taon din sa ganitong hanap-buhay ang binata at may mga pagkakataon na kung hindi man minsan ay madalas may mga eksenang “extra service” ito.
Hindi rin nagtagal at unti-unting bumagsak ang timbang ni Jessie. Madalas kung siya ay lagnatin, may kasamang ubo at sipon. Salamat sa mga mabubuting kaibigan niya na kahit papaano’y naasikaso at naaalagaan siya. Ilang buwan ding pabalik-balik ang sakit ng binata hanggang sa minsan ay sinamahan na siya ng isang malapit na kaibigang nakatira sa kabilang kanto lamang-- si Goreng (di tunay na pangalan). Doon na nga nila nalaman na maaaring HIV nga ang dahilan sa karamdaman ng binata. Kahit ininom ni Jessie ang mga gamot na nireseta ng doktor, hindi pa rin nawala ang mga sintomas na sanhi ng paghihinala na maaaring siya’y mayroong HIV. Bukod dito, nagsilabasan ang mga skin rashes nung uminom si Jessie ng gamot. After his last consultation, the doctor advised him to have the HIV test.  
Hanggang sa napagpasiyahan na nga niyang tumungo sa LoveYourself Anglo upang magpa-HIV-test. That’s how Jessie and I met. This was last December, 2015.
Dinudurog ang puso ko habang nakikinig sa kwento ng binata. Malayong-malayo na ang itsura nito kumpara sa litratong pinakita niya sa akin. He also had a partner from Europe. The man was one of  his customers who supported him financially before, but who eventually left after finding out about Jesse’s situation. Bagama’t tinutulungan siya ng kanyang mga kaibigan kung saan siya kasalukuyang nanunuluyan, may mga gabing nababagabag ang kalooban ng binata dahil ang matindi roon ay napaliligiran si Jessie ng mga kaibigan maging mga kapitbahay na di umano’y lulong sa ipinagbabawal na gamot. Nakatutulugan na nga lang niya kung minsan ang mga ito when they are having sessions. Nangangamba siya na kung hindi man siya palayasin ay baka saktan siya ng mga ito sa oras na malaman nilang siya nga ay may HIV especially when they are all high on drugs...    
Before I shared the results of his HIV test, tinanong ko siya kung ano ang gagawin niya as soon as malaman niya ito.
May nginig sa kanyang tinig. “Hindi ko po alam, pero baka magpakamatay na lang ako.”  .
Nagimbal ako. I was terrified.
“Hindi ko na po siguro kakayanin, Sir Jem, lalo na sa mga pinagdaanan ko.” Pagpapatuloy ni Jessie habang nakikita kong unti-unting nangngingilid at tumulo ang mga luha nito mula sa kanyang mga  mata.
Lalo akong dinudurog ng mga sandaling iyon. But I have to look strong Saka ko naalala ang lahat  ng mga natutunan ko sa aming training.
Agad kong tinapik siya sa kaliwang tuhod at sabay sinabing, “Huwag, hindi dito natatapos ang lahat.” Dali-dali kong binuksan ang envelope. Hindi na ako nagulat sa resulta. He’s reactive. I composed myself quickly as I handed over his results.
Duon na tuluyang bumuhos ang mga luha sa kanyang mga mata. Good thing he had his own hanky. I tapped him on the shoulder. I didn’t ask him to stop crying. I let him be. “Sige lang, umiyak ka lang. I feel your pain.”
Pagkatapos niyang mahimasmasan ay muli kong sinabi sa kanya na hindi dito natatapos ang lahat. Na bata pa siya (he’s only in his early 20s). Na kaya niya pang makapagpatuloy. Nariyan naman si Goreng at tutulungan siya nito, karamay niya. Hindi man ako makatulong sa kanya ng pinansiyal pero andito ako na maaring niyang lapitan para makausap at bigyan siya ng lakas ng loob. Yun ang tungkulin namin bilang counselor.
Aksidenteng natabig ni Jessie ang dala nitong clutch bag at dali-dali itong nahulog sa sahig. Agad din namang pinulot ito ng binata gamit ang kanyang kaliwang kamay. Duon ko lang napansin ang suot nitong beige colored bracelet rosary na gawa sa ivory beads. Namangha ako sa ganda nito.
Wow, is that a rosary?” tanong ko sabay turo sa kaliwang kamay nito.
“Opo, sir,” ang matipid na sagot ng binata.
“Ang ganda. I love it. San ito galing?” Bati ko at sabay follow up question na rin.
“Ah, bigay po sa akin ng isang customer ko from Thailand,” ang paliwanag ni Jessie.
Very nice, Jess. Ayan huh, sana magsilbing reminder sa iyo ang rosary na yan habang suot mo. I know it’s a cliché but, despite of many trials and challenges you have gone through, hindi ka Niya iniwan at mananatili Siya sa iyo, sa tabi mo basta wag ka lang makalilimot na tumawag o lumapit sa Kanya. Manalig ka at magtiwala lang. May pag-asa.” Payo ko sa binata habang siya ay aking tinatapik sa kanyang kanang balikat.
“Opo, sir. Marami pong salamat.” Tugon ni Jessie habang marahan naman ito sa pagpunas ng mga luha sa kanyang mukha.
Makalipas ang ilang sandali muli kong nakitang ngumiti si Jessie. Ngiting nabasag matapos bumalik sa kanyang gunita ang alaala ng pait at sakit ng nakalipas. Bahagyang umaliwalas ang mukha nito. Nabuhayan ako ng pag-asa na marahil sa kabila ng kanyang naranasan ay hindi natatapos ang lahat sa pagkakaroon lamang ng HIV; bagkus, may paraan pa upang makapagpatuloy ang laban niya sa buhay.
Natapos ang counseling session namin after kong ipaliwanag sa kanya ang proseso ng treatment at kung paano pumunta sa Research Institute for Tropical Medicine o RITM, ang partner institution ng LoveYourself. Wala pang treatment facility ang LoveYourself Anglo nung mga panahong iyon. I referred him to other support groups as well to supplement the care that we can provide him.
Jessie and I are still communicating as of this writing -- and he is doing pretty well.
###
Photos by: Kris Tangco
Models: Mike Toyoda, Jamie Titan

Comments

Popular posts from this blog

The History of LGBTQ+ Visibility in the Philippines

GBGB LoveYourselfExclusive Products! available now

Free HIV Testing on Saturdays and Sundays