Harana Chapter 6: I'm SOIRÉE My Love

Past Harana Chapters: * Chapter 1 * Chapter 2 * Chapter 3 * Chapter 4 * Chapter 5 Harana Chapter 6: I'm SOIRÉE My Love "Uhh...the group's going to perform there Ash", muttered Trey habang nakatingin kay Ash. Hindi sumagot si Ash, tila iniisip kung ano ang sasabihin. "Just bring your ass there, I'm going to be there anyway. We can go there altogether for all I care", dugtong ni Trey. "Saan ba yun, e di ko nga alam", sagot ni Ash. "Ask Ceres then. Anyway, let’s finish this MBB module now”, sabi ni Trey. Huminga ng malalim si Ash at tinulungan si Trey sa pagsagot ng module na kailangan niyang makumpleto para maihanda ang sarili sa MBB long exam. ~~~ Pag-uwi ni Ash sa dorm, binuklat niya ang Physics textbook at nagsimulang magbasa at magsagot ng mga problem set para sa long exam niya sa Biyernes. Pagkatapos ng exam na iyon, puwede na siyang magpakasaya sa event ni Ceres. Nabawasan ang kaniyang pagkaba...