Lit Love: Community Quarantine
TULA PARA KAY D
Rolin Migyuel Cadallo Obina
Nasa kalye ka na at nag-aabang ng masasakyan
Habang lumalangoy pa sa kama ang karamihan
Kahit walang kasiguruhang gagaling ang mga may karamdaman
Ikaw ay naglilingkod ng walang pag-aalinlangan
Marami nang nakaratay sa iyong pagamutang pinagtatrabahuan
Ang iba ay nakikipagbunuan na kay kamatayan
Ngunit hindi mo ito kinatatakutan
Bagkos maari ka nitong mahawaan
Kubeta, lababo at lahat ng mga pasilyo ay iyong pinapaliguan
Upang mapanghawang sakit ay hindi na makadapo kaninuman
Pagod ay hindi alintana kahit sweldo ay may kababaan
Ang mahalaga sa iyo ay mapaglingkuran ang iyong mga kababayan
Diyanitor ang opisyal mong katungkulan
Tagalinis ng mga mesang pinagkainan
Ngunit sa panahong lahat ay maselan
Buhay mo ay sa iba inilalan
Paniguradong nangungulila ka na rin sa iyong pamilyang iniwan
Sa tatay mong sumpungin o sa nanay mong kailangang alagaan
O hindi kaya ay sa asawa mong mag-isang kumakain sa hapag-kainan
O sa iyong anak na nagtatanong kung kalian ka muling mahahagkan
Sa bawat segundong ikaw ay makita sa telebisyon o pahayagan
Inggit ang namumutawi sa aking kaibuturan
Sapagkat hindi ko nagagawa ang ipinamalas mong kabaitan
Dahil sa loob ng pagkatao ko ay takot ang nananahan
Ang tangi kong maipapangako sa iyo kaibigan
Ay ipanalangin sa Diyos ang iyong kalusugan
Sampu ng mga taong taos-pusong naglilingkod sa bayan
Kayo ay mga bayani na dapat pasalamantan
Kahit sa mga piling salita man lang ikaw ay maalayan
At ipangalandakan ang iyong kabayanihan
Upang sa mga susunod na salinlahi ikaw ay tularan
Tagalinis man kung ituring buhay mo naman ay sa iba nakalaan
Until Then
Ryel Hagoriles
Just like the harshest ocean waves,
A calmer pace shall come.
The moon may have many phases,
But it's light shines of Hope.
A beacon of strength for those afraid,
Will aid this battle with pleading might.
Until then, be brave and wipe those tears,
Until then, stretch a smile behind those shields.
The waves might be terrifying to see,
Like the mouth of sharks ready to engulf.
But then, I know the moon will pull,
A victorious tomorrow await.
Pandemya sa Maynila
AJ
Isa dalawa tatlo may taong umubo
Tatlo apat lima maraming apektado
Anim pito walo ang mga namatay dito
Siyam at sampu, nasaan na ang gobyerno?
Huwag makulit at huwag lumabas, ang sabi ng nasa itaas.
Paano na ang anak ni nene na wala ng gatas
Panakot nila'y pag ikay lumabas ay dahas
Kaya iiyak na lang sa gutom hanggang mawalan ng lakas
Isang malakas na palakpak sa ignoranteng tao
Sapagkat silay nabubulag ng kanilang pribilehiyo
Sa dami ng pera, di na nakita ang tunay na senaryo
At ang mga tao sa baba ay sinasapit ay kalbaryo
Kaya aking mga katoto gising na
Imulat ang mga mata para inyong makita
Ang sinasapit ng bayan sa pandemya
Tayo'y magkapit bisig at itayo muli ang bandera.
Image References
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/9/99/USMC-050117-M-1158H-040.jpg
https://c1.wallpaperflare.com/preview/351/625/299/bed-bed-covers-bedroom-blanket.jpg
https://motionarray.imgix.net/preview-518359-EloEtYncaMW85qEl-large.jpg?w=1400&q=60&fit=max&auto=format
Comments
Post a Comment