Harana Chapter 9: Pasko Na Sinta Ko

Past Harana Chapters:

Harana Chapter 9: Pasko Na Sinta Ko

Teka. Teka lang!” sigaw ni Trey kay Ash, pagkatapos nya itong itulak palayo. Hindi sya makapaniwala sa nangyari.


“What on earth?!”


Sinampal-sampal ni Ash ang sarili nya na parang ginigising ang sarili mula sa kaniyang napagtantong isa na namang panaginip. Hindi naman napigilan ni Trey ang matawa sa ginagawa ni Ash.


“Sigurado akong panaginip na naman to!” sabi ni ash na parang nababaliw.


“E diba nga nung nag-away tayo, you tried to kiss me. Now that I finally gave you what you wanted, you say this?Alam ni Trey na nagpapa-cute lang itong si Ash na namumula na sa hiya.


“You dont have to try to be cute, because you already are.”


“Trey, kung ikaw, pumunta ka dito para pagtripan na naman ako...” ani Ash.


“And you think I’d drive a thousand miles para lang pagtripan ka? I maybe an asshole but I’m not that stupid you weirdo!” At saka lumakad na si Trey, pabalik sa kung nasaan ang pamilya ni Ash.


Hindi napigilan ni Ash ang mangiti nang sobrang laki habang nakatalikod si Trey sa kanya. Kumabog-kabog na naman ang dibdib nya kagaya nang unang beses nyang nakita si Trey na kumakanta sa entablado.


Hindi nya inakalang kaya pala nyang ngumiti nang ganoong kalaki.


~~~


Center of attention si Trey habang naghahapunan sila ng pamilya ni Ash. Tuwang-tuwa ang nanay at tatay ni Ash sa bisita nilang galing Maynila, at dahil sanay si Trey sa role na ‘yon, game na game naman syang sumagot sa mga tanong nila.

Pero kung kumportable na si Trey,  si Ash naman hindi mapakali sa pagkakaupo. Ni hindi sya makasulyap kay Trey na ganadong-ganado sa pagkain ng nilutong tinola ni Lola Mercy. Ulam ‘yon na hinahanda lang ng lola nya kapag may espesyal na bisita.             


“Wala kayong probinsya iho?” magiliw na tanong kay Trey ng nanay ni Ash.


“Wala po. My parents are both from Manila.”


“Ang sabi mo, music major ka. Magaling ka kumanta?” tanong naman ni Lynlyn na may kislap pa sa mga mata. Kahit hindi nya sabihin ay crush nya ang kaibigan ng kuya nyang si Ash.


“May banda ako. Ready Aim Fire po ang pangalan ng band namin. When you come to Manila, I’d introduce you to them.” sagot naman ni Trey.


“Naku nagbabanda ka pala. E di madami kang chicks sa Maynila. Ganon kasi ang mga nagbabanda hindi ba?” usisa ng tatay ni Ash na may tonong nangangaral.”Baka naman iniimpluwensyahan mo ang anak ko sa mga ganyan.”


Natawa lang si Trey at napatingin sya kay Ash.


“Umm... marami po. Pero kasi, taken na po ako.”


Napalunok si Ash nang sobrang tindi sa sinabi ni Trey, halos parang nalunok na nya ang sarili nyang lalamunan!


“Alam mo ba, ngayon lang may kaibigan si Ash na ipinakilala nya samin. Buti nakadalaw ka at tamang-tama ang punta mo dahil masaya ang pasko dito sa amin.” sabi ng nanay ni Ash para ibahin lang ang takbo ng usapan.


“Baka po kasi ngayon lang nagkaroon ng kaibigan si Ash! You know your son, he’s kinda weird.”


Tawanan ang lahat sa mesa. Si Ash lang ang hindi natawa.


“Alam mo kasi ‘yang apo ko na ‘yan, gusto nyang laging mag-isa. Bata pa lang ganon na. Malamang espesyal ka sa kanya para dalhin ka pa nya rito s’amin.”
Dito na nagsalita si Ash. “Hindi ko po sya dinala ‘la. Kusa po syang pumunta rito.”


“Kasi po, kung ako’y hindi special sa kanya, sya po’y special s’akin”, sabat ni Trey.


“Wala akong sinabing hindi ka special sakin.”


“Then what are you saying?” tugon ni Trey na medyo may taas na ng boses.


“Wala. Nagulat lang ako na nandito ka.”


“Do you want me to leave? Fine, I’d leave.”


“Wala akong sinasabing umalis ka.”


“So sinasabi mong mag-stay ako?”


“Wala din akong sinasabing mag-stay ka. Desisyon mo yan. Kung gusto mong umalis, umalis ka. Kung gusto mong magstay, magstay ka. Nay, tay, pasensya na po kayo kay Trey ha, ganyan lang po talaga magsalita yan. Parang senyorito.”


Natahimik ang lahat sa naging palitan nina Ash at Trey. Dinig na dinig ang mga kuliglig sa paligid. Nabasag lang ang katahimikan nang tumawa ang lola ni Ash.


“Ganyang ganyan kami ng lolo mo Ash kapag nagtatalo kami! Talo nyo pang dalawa ang mag-asawa!”


~~~


Dumating si Ash sa kwarto sa tabi ng imbakan ng palay kung saan matutulog si Trey.  Pagdating nya doon, pinapakain ni Trey ng tira-tirang tinola si Estrella Monella.


“Medyo luma na tong mga kumot namin Trey ha, pagpasensyahan mo na.”


“Thanks” mabilis na sagot ni Trey na may astang nagtatampo. Tumalikod na si Ash kay Trey, pero humabol ng salita sa kanya si Trey.


“Umm... Ash. Are you mad that I’m here?”
Napaisip si Ash ng isasagot. “Hindi naman. Hindi lang ako sanay.”


“E di masanay ka na. Coz I’m not gonna leave you. No matter how irritating you’d get.” Wala lang kay Trey ang sinabi nya pero para kay Ash, yon na ata ang pinaka-sweet na sinabi sa kanya ng kahit na sino.


“Why do you still hate me Ash? I already said I’m sorry, didn’t I?”


“I don’t hate you Trey. Ano lang e, ayoko lang munang maniwala.”


“I love you, Ash.”


Yung laging napapanuod ni Ash na mga eksena sa mga paborito nyang teleserye, totoo pala ‘yon. Parang huminto ang puso nya sa pagtibok, at umikot ang buong paligid. Alam nyang nandoon lang sila sa may kamalig pero parang bigla silang nalipat sa ibang daigdig.


“Naririnig mo ba ang sarili mo Trey? Baka nagkakamali ka lang. Diba hindi ka bakla?”


Hindi ‘yon ang inasahang sagot ni Trey mula kay Ash. Kahit si Esrtrella Monella na tahimik na nanunuod sa usapan nila, parang naintindihan ang sinabi ni Ash at napa-miao sya nang malakas.


“O e di bakla na kung bakla! Ok na? Mahal kita. Why does it matter to you what I call myself Ash, when what only matters to me is that I am in love with you?” Kahit si Trey, nagulat sa sinabi nya, pero naging honest lang naman sya.


“Akin na nga ‘yang kumot. Bukas aalis na ko.” sabay hablot ni Trey sa kumot na dala ni Ash.


“Hindi ka ba hinahanap sa inyo? Bisperas na ng pasko bukas.”


“Wala silang pakialam s’akin. Kagaya mo. Goodnight.” At saka tumalikod na si Trey kay Ash, pumasok sa kulambo at tinakluban ang sarili nya ng kumot.


~~~
Kinabukasan, nagising si Trey na may nakahaing almusal sa may lamesita sa paanan ng papag na tinulugan nya. May note pa si Ash sa tabi ng plato ng piniritong itlog at longganisa.


I’m sorry. Dito ka na muna. May pakialam ako sayo Trey,
at alam mo namang mahal kita. <3 <3 <3


Isang maliit na ngiti ang sumilay sa mukha ni Trey. Huli nya tong naramdaman noong sila pa ni Trish.


Pagkatapos kumain ay lumabas sya sa kwarto nya at dinatnan nya ang buong angkan nina Ash na naghahanda para sa noche buena. May naghuhugas ng mga gulay, may naghihiwa ng baboy, may nagtatanggal ng balahibo ng manok... May ilang kalalakihan na namimitas ng mga hilaw na mangga sa mga punong nakatanim doon. Ngayon lang nakakita si Trey nang ganoong kasayang paghahanda para sa pasko at pumasok sa isip nyang ngayon lang ata sya makakaranas ng tunay na selebrasyon.


Nilapitan ni Trey ang tatay ni Ash na busy noon sa pagkakadkad ng ube para sa lulutuin nyang halaya.


“Nasaan po si Ash?” tanong ni Trey,


Inginuso lang ng tatay ni Ash si Ash na nasa may di kalayuan. Nagsisibak si Ash ng kahoy at tumatagaktak na ang pawis mula sa noo nito. Nilapitan ni Trey si Ash.


“Good morning. Ako na yan.”


“Hindi ka naman marunong nito, baka mapahamak ka pa,“ ani Ash na may kaunting pagkailang.


“I can do that. I’m not that dumb.”


Inabot ni Ash kay Trey ang palakol. Ang totoo, hindi maganda ang pakiramdam ni Ash pagkagising pa lang kaninang umaga. Parang magkaka-trangkaso sya. Lumakad na palayo si Ash, pupunta sa nanay nyang kadarating lang galing sa palengke para bumili ng bangus na ire-relyeno nya.

“By the way, thank you for breakfast, baby boy.” pahabol ni Trey kay Ash, sabay hubad sa tshirt nya para magsimula nang magsibak ng kahoy.


~~~


Sa bilang ni Trey ay parang tatlong oras na silang nagnonoche buena. Ibang-iba ito sa noche buena sa bahay nila na walang ipinag-iba sa normal na hapunan sa kanilang malaking bahay.


Kahit si Estrella Monella ay walang tigil sa pag-nguya ng pagkain na pinapakain sa kanya ng mga pinsan ni Ash kaya yung dating mapayat na pusa ay kasing taba na ng mga pusang Maneki Neko sa tindahan na walang tigil sa pagkaway.


Nag-iinuman na ang ilang kalalakihan, namumulutan ng relyeno at menudillo. Nagkakantahan naman ang mga batang pinsan ni Ash, habang nagtatawanan naman sina Lynlyn at ang mga kaklase nya.


Masayang nakatingin lang si Trey sa kanila nang nilapitan sya ng lola ni Ash. “Merry Christmas, iho,” sabi ng matanda kay Trey.


“Merry Christmas po,” ani Trey.


Tumabi ang lola ni Ash kay Trey sa bangkito at saka inabutan si Trey ng isang platito ng halaya.


“Masaya dito ano? Pag pasko? Hindi ba ganito sa inyo?”


“When my father was still with us, masaya rin po ang christmas sa amin.” matamlay na sagot ni Trey. “Now we are content na magtext lang kami ni mama ng merry christmas.”


“Iho, may tanong ako. Sana hindi mo masamain.”


“Ano po yun?”


Kayo ba ng apo ko?

Nagulat si Trey sa tanong ng lola ni Ash. Natawa na naman sya. Yon ang tipikal na sagot ni Trey kapag hindi nya alam kung anong sasabihin. Napansin naman ni Lola Mercy ang kaba ni Trey kaya sya na ang magpapatuloy sa usapan.


“Alam mo yang si Ash ay laki sa akin, kaya bata pa lang ay alam ko nang bakla sya. Baka nga bago pa nya nalaman! Lagi mong pagpapasensyahan si Ash ha. Minsan matigas ang ulo nyan. Pero mabait yan.”


Wala nang nasabi si Trey kundi isang mahinang “Opo”.


Walang anu-ano’y tumakbo si Ash patungo kay Trey kaya natigil ang usapan nina Trey at ni Lola Mercy. Hawak ni Ash ang cellphone nya.


“Teka... teka... nakita ko na sya!” sigaw ni Ash sa kausap nya sa kabilang linya. Pagkatapos ay nilagay nya sa speaker mode ang cellphone.


“Merry Christmas Trey!!!” sabay-sabay na sigaw ng nasa kabilang linya. Sina Ceres, Gerson at Girlie pala ang kausap ni Ash. “Merry Christmas guys!” sabi ni Trey sa kanila. Nag-usap nang nag-usap sina Ash, Trey, at ang mga barkada nila hanggang sa inabutan na sila ng mismong araw ng pasko.


Nagsasayaw ang mga ilaw sa mga nakasabit na mga parol sa mga puno ng mangga. Nang ibaba na nina Ash at Trey ang cellphone, napatingin ulit sa isa’t isa. Sa dinami-rami ng mga paskong nagdaan sa buhay nina Ash at Trey, sigurado silang ang paskong yon ang pinakamasaya sa lahat.


“Merry Christmas Ash. Thank you.” sabi ni Trey kay Ash. “Thank you for making me believe in love again.”


~~~


Halos isang linggong nakahiga si Ash sa sama ng pakiramdam. Sayang nga at ngayon pa ito nangyari, ngayong nandoon si Trey sa kanila. Hindi tuloy sila nakagala gaya ng plano sana ni Ash na gawin. Pero sa buong panahon naman na ‘yon, nandoon si Trey para tanungin kung kumusta na ang pakiramdam nya. Paminsan-minsan ay dinadalhan pa nya ng basang bimpo si Ash para ipunas sa kanyang sarili. Ang sabi naman ng duktor at simpleng trangkaso lang ang sakit ni Ash at walang dapat ipag-alala. Pero hindi pa nagka-trangkaso si Ash nang ganoon kalala.


Bago magbagong taon ay nakakabangon na si Ash sa kama. Pinuntahan ni Ash si Trey tinuturuan ang mga pinsan nyang mag-gitara.


“Trey, tara. May pupuntahan tayo. Kasi diba pabalik na tayo sa Maynila sa makalawa? Ililibot man lang kita.” Sabi ni Ash kay Trey.


“Are you sure? Kaya mo na ba?”


“Kaya ko na!” excited na sagot naman ni Ash.  


Sumakay sila ng bus nang hindi sinasabi ni Ash kung saan ang punta nila. Nakarating na sila nang Cagsawa Ruins nang nalaman ni Trey na sa Mt Mayon pala ang punta nilang dalawa. Gandang-ganda si Trey sa tanawin.


“It’s just like in the pictures...” bulong ni Trey na may pagkamangha.


Napatango lang si Ash habang nakatingin sila sa Mayon. Parang humahalik ang mga ulap sa tuktok ng bulkan.


“Eto na po sya.” sabi naman ni Ash sa isang parang hindi nakikitang kausap. Napatingin tuloy si Trey sa kanya na naweiweirduhan.


“Sinong kausap mo?”


“Ang Mayon. Noong bata kasi ako, sabi ko, ipapakilala ko sa Mayon ang taong mamahalin ko habang buhay.”


Kinilig naman si Trey sa sinabi ni Ash.


“New year na.” bulong ni Trey sa tenga ni Ash. “Hindi ba tayo magpapaputok?” At saka natawa nang natawa si Ash sa sinabi ni Trey. Natawa na lang din si Trey.


~~~
Pabalik sa Maynila, magkahawak ang kamay nina Ash at Trey habang nagmamaneho si Trey. Hindi pa rin ganoon kaganda ang pakiramdam ni Ash pero nakarecover na naman sya. Nasa passenger seat si Estrella Monella na mukhang na-stroke na ata sa dami ng nakain nya buong linggong yon.


Habang mahimbing na natutulog si Ash sa tabi ni Trey, paminsan-minsang napapasulyap si Trey sa lalaking ito. Not in a million years nyang naisip na magmamahal sya ng kapwa nyang lalaki. Pero masaya sya.

‘Yon na ata ang pinakamahabang minaneho ni Trey sa buong buhay nya, pero kahit gaano na sya katagal na nagmamaneho, parang hindi sya napapagod. Sa mga yugtong yon, naiisip ni Trey na kahit hindi na matapos ang pag-drive nya kasama si Ash ay OK lang sa kanya, basta magkasama sila at magkahawak ng kamay.

~~


Napakatamis naman ng Pasko ni Ash at Trey. Alam nilang mahal nila ang isa’t isa, at bukod dito, walang tumututol sa pamilya ni Ash sa kanilang pagsasama.


Ngunit, nagka-trangkaso si Ash pagkatapos ng Pasko. Isang simpleng karamdaman lang ba ito o may mas malalim pang pag-uungkatan? Abangan sa grand finale ng Harana, Chapter 10, na ilalathala sa December 23.  

Ikinalulugod naming marinig ang inyong pahayag tungkol sa inyong nabasa, kaya inaanyayahan namin kayo na magbahagi ng inyong mga pananaw sa comments section sa ibaba.

Next Harana Chapters:

 * Chapter 10

Comments

  1. I can't wait to read the next chapter. It brings hope to those who doesn't believe in love anymore. Thank you for enlightening me to this kind of love story and for the inspiration guys. Kudos!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The History of LGBTQ+ Visibility in the Philippines

GBGB LoveYourselfExclusive Products! available now

Free HIV Testing on Saturdays and Sundays