Harana Chapter 10: Love Yourself


Past Harana Chapters:

   * Chapter 4

   * Chapter 5

   * Chapter 6

   * Chapter 7
   * Chapter 8



Harana Chapter 10: Love Yourself


Ilang buwan din ang nakalipas ng kilig, tampuhan at pagpapadama ng kanilang pagmamahalan. Kaya tuwing nakakasama ni Ash si Trey ay ibang kilig ang kanyang nararamdaman. Kilig na ngayon lamang n’ya naramdaman sa buong buhay n’ya.

“Dalawang buwan na tayo, pero parang kada araw ay parang unang araw na nakasama kita at narinig sa’yo ang salitang I Love You,” ani Ash.

“I won’t get tired of loving and saying these words to you, Ash. I love you!” sambit ni Trey habang aakma ng isang nakaw na halik.

“By the way baby boy, we will be performing again next week. Hope to see you there.”

“Oo naman, wala pa naman akong na-miss na gig mo di ba?”.

“Yeah, but sometimes I feel you just want to go there because I wanted you to be there,” kunwaring pagtatampo ni Trey.

“Minsan kasi baby nararamdaman ko na habang sumisikat ka… Hmmmm….dumadami ang gustong magpakuha sa’yo ng litrato, at mga babae at lalake na tumitili sayo. Minsan eh...syempre, naiinis din ako,” nahihiyang paghinga ng saloobin  ni Ash.
“Nagseselos ba ang baby ko?” paglalambing ng binata sa kasintahan.

“Hindi ako nagseselos noh! Nagtataka lang ako, tinatanong ko ang sarili ko kung tama ba ito or okay lang na itago natin ‘to,” hindi mawari ang mukha ni Ash habang sinasambit ang mga salita.

“Baby, pasensya ka na ha. Sana naiintindihan mo kung bakit kailangan muna nating itago ito,” sabi ni Trey habang hinahanap sa kanyang isipan ang mga susunod na salitang sasabihin. “Hmmmm....Hindi pa kasi ako handa. Hindi ko pa alam kung ano ang dapat kong gawin at sabihin,” napabuntong-hininga na lang si Trey pagkatapos bitawan ang mga salita.

“Naintindihan kita Trey. Naguguluhan lang din ako. Pero ang importante naman sa akin ay ikaw Trey,” pagbibigay suporta ni Ash.

Napapaisip at nalilito pa rin si Trey paminsan-minsan sa kung ano ba talaga s’ya. Pero isa lamang ang alam n’ya ngayon, mahal na mahal n’ya si Ash.

“Mahal kita, Trey,” lalong pagbigay ni Ash ng assurance sa minamahal.

“I love you too, Ash!”

~~~

Halos isang linggo na buhat nang matapos ang huling gig ni Trey. Ngunit sa isang linggong ito ay pabalik-balik ang trangkasong nararamdaman ni Ash. Labis namang ikinabahala ni Ash ang mga nararamdaman n’yang sakit.

Tumawag si Ceres upang kumustahin ang kaibigan. “Hey, Ash! How are you? Kamusta?”

“Okay naman ako Ceres. I feel better now.”

“Nako Ash, you better be careful ha. Drink a lot of water. Also, get yourself checked. Baka hindi na simpleng trangkaso yan. You know, uso Dengue, or baka naman HIV na yan.”

“Saglit, ano?!! HIV?!! Ikaw talaga Ceres kung anu-anong pinagsasasabi mo.”

“Just kidding about HIV though. But seriously, go to the doctor na ha, if you’re still not feeling better. Okay?”

“Yes, pupunta na ako sa doctor kung hindi pa ako gumaling. Thanks Ceres.”

Pagkababa ni Ash ng telelpono ay s’ya namang simula ng pagkagambala at pagkatuliro niya. Dahil ito sa pagkakarinig n’ya ng salitang HIV. Hindi n’ya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Maraming pumasok sa isip n’ya -- takot, pangamba, galit at pagsisisi sa sarili, with the thought of the what ifs of having HIV.

“Paano kung may'ron nga akong HIV? Ano kayang gagawin ko? Anong sasabihin nila sa akin? Anong gagawin ni Trey? Saan ko naman ‘to makukuha?” ang blankong mga tanong ni Ash sa sarili.
~~~

Alas dos na ng hapon nang nagmamadali s’yang pumunta sa isang computer shop na malapit sa UP upang hanapin at mag-research tungkol sa HIV. Marami s’yang nabasa, ngunit ang mas pumukaw ng kanyang atensyon ay ang pakikipagtalik ng walang proteksyon. Bigla siyang nagbalik tanaw at naalala ang gabing may nangyari sa kanila ni Anton nang walang proteksyon. Siya ay nagulat, nanahimik sandali at nag-isip. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Hanggang may tumawag sa kanyang cellphone- si Trey.

“Hello baby! Asan ka ngayon? Magkita naman tayo. Ang lamig ng panahon. Gusto kitang mayakap. Sunduin kita?” sabi ni Trey.

“Nako… Trey… kasi… ahmmm… andito ako ngayon sa computer shop… nagre-research ako… pero sige… okay lang naman. Magkita tayo ng 6:00p.m.?”

“Sige, see yah baby boy!”

~~~

Medyo hindi mawari ang itsura ni Ash habang nasa loob ng sasakyan ni Trey; di niya maintindihan ang nararamdaman n’ya. Naghahalo kasing kaba dahil sa mga nabasa niya tungkol sa HIV at excitement dahil naman kasama n’yang muli ang kanyang sinta. Ito ang dalawang palaisipang naglalaban sa kanyang diwa.

Napansin ito ni Trey nang makarating sila sa unit nito. “Is there something bothering you? Are you alright baby?”

“Yup, okay naman ako. Wag mo na lang isipin, pagod lang siguro” halos pabulong na sagot ni Ash habang pumapasok ng condo ni Trey.

Pagdating ng dalawa sa kwarto ni Trey ay dagli naman itong nagnakaw ng halik sa kasintahan.“Okay, let’s relax and watch some series. What do you like? I got some copies here of GOT? Scandal?” said Trey.”

“Scandal?!!!”

“Oh no! It’s a US TV series, not that scandal you are thinking baby boy. Ikaw talaga…’lika nga sa tabi ko,” natatawang paglalabing ni Trey.

~~~

Magkayakap silang nanunuod ng Game of Thrones. Paminsan-minsang hinihimas ni Trey ang pisngi ni Ash,  dumadako rin ang kamay nito sa ulo, medyo kinikiliti ang tainga, hinahawakan ang dibdib at bewang ng kasintahan. Hanggang napansin nitong may bumubukol sa salawal ng kanyang baby boy.

“Baby! You got a hard on!” pagtukso ni Trey na makakikitaan ng kakaibang excitement.

Nahiya naman si Ash, at aakmang tatakpan ang kanyang kumakawalang alaga. Ngunit, mabilis na kinuha ni Trey ang kanyang kamay, hindi upang pigilin ang pagtatakip ni Ash ng kanyang alaga, kundi inilapat niya ito sa kanyang kanina pang matikas at naghuhumiyaw na pagkalalaki. Parang dinaluyan ng kuryente si Ash sa buong katawan ng madama niya ang tropeo ng pagmamahal ni Trey.

Can we?” mapang-akit na bulong ni Trey kay Ash na kanina pa umiinit ang damdaming hindi n’ya naramdaman kay Anton noong nasa ganitong sitwasyon sila.

Lumayo ng bahagya si Ash na agad namang hinila ni Trey. Hindi na napigilan ni Ash, kaya naman pumatong na ito kay Trey at walang pag-atubiling hinalikan ang kasintahan sa mapupula nitong mga labi. Magkahalong libog, pagnanasa at higit sa lahat ay pagmamahal ang kanilang nararamdaman. Hinagod ni Trey ang buong katawan ni Ash habang tinatanggal ang kanilang mga damit, at nang hubo na ang pang-ibabaw na damit ay sinipsip nito ang maliliit at mapula-pulang mga utong ni Ash. Napaka-init ang kanilang pagsisilbi sa kanilang mga nauuhaw na damdamin para sa isa’t isa.

Hindi na bago kay Trey ang mga pangyayari, ngunit kakaiba ito dahil mahal n’ya ang lalaking nasa ibabaw n’ya. Ginagabayan n’ya si Ash sa mga susunod nilang gagawin.

Pabulong at medyo nahihiya pang sinabi ni Trey na “suck me babe…”

Inaalalayan ni Trey ang ulo ni Ash pababa sa kanyang hubad na katawan patungo sa kanyang banat na banat na pag-ibig. Ngunit, biglang huminto ang mundo ni Ash na para bang nawala s’ya sa piling ng kasintahan.

Naalala kasi ni Ash ang unang beses na ginawa n’ya ito...nila ni Anton. Ito ang panahon kung kailan nag-away sila ni Trey. Ang panahong pinaalis siya ng condo ni Trey at sinigawan ng “Leave me alone! Get out!”

“What’s wrong baby?”

“T….T…..Trey….” nanginginig na sambit ni Ash habang inilalayo ang mukha sa pagkakalapat sa hubad na katotohanan.

“What’s wrong?!!! You’re not ready or something?!!! You want it slower?”

“Hindi naman…pero...”

“Or you want me to do it first?”

Biglang tumulo ang luha sa mga mata ni Ash. Mga luha na mas nagpagulo sa utak ni Trey, kaya naman itinaas nito ang puting brief na nakasabit sa dulo ng kanyang kanang paa. Habang si Ash ay napaupo sa sahig at pumakawala sa kanyang damdamin.

“Trey, I’m sorry.”

“I don’t understand...” hindi mawari ni Trey kung anong nangyayari.
“Naalala mo ba yung time na pinaalis mo ko sa condo mo?” bungad ni Ash na s’ya namang binalingan ng buong atensyon ni Trey na lumuhod na upang pantayan ang nakasalampak nitong kasintahan.

“Wala akong mapuntahan noon, nanghihina ako, at feeling ko durog na durog ang puso ko. Ang nakapitan ko lang ay si…ano….si...” lumuluhang pagsabi ni Ash at may takot na pangalanan ang taong kanyang tinutukoy.
Hawak-hawak ang dalawang balikat ni Ash ay tinanong ito ng nag-iiba nang timplang si Trey: “Sino! Sino Ash?!”
“Sssssi… si….Anton.”

“What?!!! So, something like this happened?!! Tell me!” may halong galit, pagkalito, at parang nagmamakaawa si Trey.

“May nangyari Trey! May nangyari samin ni Anton!” ang emosyonal na paglabas ni Ash sa matagal nang bumabagabag sa kanyang isipan.”

Tulala si Trey. Di niya alam ang sasabihin sa narinig na pag-amin ni Ash.

“Nagawa namin ang lahat nang di ko pa nararanasan na kahit kaninong lalaki.”

Tumayo si Trey na parang hindi alam ang gagawin.

Kumakabog ng malakas ang dibdib ni Ash, pagkabog na higit pa sa taong tumakbo ng 21K habang sinasabing: “At ngayon nangangamba ako na baka may HIV na ako lalo pa’t di na natanggal yung sakit ko.”

Akma sanang yayakapin ni Ash ang mga binti ni Trey, pero dahil naguguluhan sa mga nangyayari ay iniwan sya nito.

Nakatungo’t lumuluhang naglakad si Trey palabas ng kanyang kwarto.

“Bakit Ash?” ang sabi nito sa sarili.

~~~

“Hello, Ash? Bakit ka umiiyak? Anong nangyari sayo?” si Ceres ang nasa kabilang linya ng telepono.

“Trey... and I…”

“Yes!!! I know that you are together without any confirmation. Hello! But why cry?”

“Sorry. Pagpasensyahan mo na kami. Wala na akong ibang pwedeng malapitan, ikaw lang.”  

“So what now? Stop crying!”

“Ceres, si Trey galit na galit sa akin.”

“Oh My! For what reason? Break agad?”

“Inamin kong may nangyari sa amin ni Anton, at natatakot ako na baka may HIV ako ngayon.”

“F*CK!!! That’s super wired! Anton?!!! Then, HIV?!!!”

“Alam ko. Sorry na. Ang dumi-dumi ko.”

“Oh gosh! No! Mas marami pang madumi sa’yo. I was just EFFING SHOCKED RIGHT NOW!!! Spell R-E-V-E-L-A-T-I-O-N-S!”

“I know. I should have told you earlier. Sorry. Pati ikaw tuloy nadamay.”

“So...What should we do now? Like, this is some sort of an epic serious thing!” Pag-aalala ni Ceres.

Biglang may kumislot sa isipan ni Ash nang mga sandaling iyon. Naalala n’ya ang isang website noong naghahanap s’ya ng info about HIV/AIDS. Naalala n’ya ito kasi naka-relate s’ya sa pangalan ng organisasyon, ang LoveYourself.

“Maybe... you should...talk to him or leave him alone for a time?” ang sinserong advise ng kaibigan.

“Sana bago ako muling humarap at kausapin si Trey..., gusto ko munang malaman ang HIV status ko. Gusto kong malaman para alam ko na ang mga dapat kong gawin, ano man ang resulta.”

“Fair enough, and that gives you and him a time to reflect on things. But where will you have yourself checked?”

“May free-HIV testing clinic sa may likod ng Starmall. Bukas sila tuwing Wednesday hanggang Linggo. Tamang-tama weekend na bukas...so bahala na,” sagot ni Ash na halatang malakas ang kaba sa dibdib pero sinusubukang lakasan ang loob.

“Go for it Ash! I’m at your back. Do it for yourself. I know for sure Trey will be happy to know you’re ok.

“Thank you.”

“Basta no matter what the result will be, I’ll be right here. Too bad I can’t be with you tomorrow lang naman.”

“Okay lang Ceres, kaya ko ‘to. Salamat at nandyan ka.”

~~~

Umaga ng Sabado ay maagang nagising si Ash. Una n’yang sinilip ang kanyang cellphone. Isang mensaheng dali-dali nyang binuksan. Galing kay Ceres:

“You can do it, Ash! Just hang on and everything’s gonna be alright. I’m just a call away.”

Natuwa man sa suportang nakuha ay agad nalungkot si Ash dahil, wala pa ring mensahe galing kay Trey.

Tahimik at malalim na nag-isip si Ash. Inisip muna n’ya ang kanyang kapakanan para buo n’yang mabigay pagmamahal n’ya kay Trey kung sakaling magka-ayos sila. Buo na ang kanyang desisyon at determinado s’yang malaman ang kanyang HIV status. Hindi rin naman n’ya binabalewala ang kabutihan ni Anton, pero alam na din n’yang hindi naman nasusukat ang HIV sa tiwala lang.

Naghanda na s’ya papunta sa clinic na nakita n’ya sa website. Sa Kamuning s’ya bumaba ng jeep at nagtungo sa MRT para bumili ng ticket pa-Shaw. Namangha si Ash sa mga bagong tickets ng MRT pero as usual siksikan at matagal makasakay.

Pinagsiksikan ni Ash ang sarili sa isang puno ng iba’t -ibang uri ng commuters sa bagol ng tren. Kada station ng tren at habang papalapit s’ya sa Shaw ay lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib na para bang nararamdaman ng lahat ng kasakay n’ya sa MRT. Halos bumibilis na ang tingin n’ya sa oras at nakakaisip na rin s’ya ng mga dahilan para wag nang ipagpatuloy ang pagpapa-test.

“Next station, Shaw Blvd. Station. Pakiingatan na lamang po ang inyong dalang gamit at ang Beep card na gagamitin sa paglabas ng tren. Maraming salamat po.

Nang marining ni Ash ang pagbukas ng pinto ng tren ay parang natigil at nanlapot ang kanyang katawan. Hindi na nga n’ya namalayan na nakalabas na pala s’ya ng tren at sumusunod sa daloy ng mga tao paakyat ng station para lumabas.

Lumakad ng kaunti si Ash patungo sa direksyon papunta sa mga jeep na nakaparada sa Starmall. Hindi n’ya alam kung saan s’ya pupunta kaya naglakad lang s’ya palabas ng Shaw sa may isang overpass na tulay. Doon n’ya narinig ang isang
“Miaaoooooo!”  Ngunit di niya makita. Lumabas sa isang poste sa gilid ng sidewalk ang isang pusa, si Estrella Monella!

Agad nilapitan ni Ash ang pusa ngunit tumakbo ito papunta sa hilera ng building hanggang sa marating n’ya ang isang yellow building at napansin ang isang napakalaking marka na ANGLO sa labas nito. Tumigil si Estrella Monella sa tapat ng guard table at doon tumingala si Ash at nabasa ang signage sa itaas ng LoveYourself.

“Nako! Andito na pala ako!” wika n’ya at dinampot ang pusang kanyang kinagigiliwan. Pagtataka lang n’ya kung paano napadpad ang pusa roon.

“Manong guard dito po yung LoveYourself noh?” pagtatanong ni Ash.

“Third floor unang pinto.”

“Thank you.”

Salamat din at hawak n’ya si Estrella, dahil ito ang nagpapagaan ng kalbaryo sa kanyang dibdib sa bawat paghakbang sa napaka-tarik na hagdan.

Pagpanhik niya sa clinic, nakita n’ya ang isang signage na nakapaskil sa pinto na ito na nga ang clinic na nakita n’ya sa website. Kumatok s’ya at binuksan ang pinto; namangha sa nakitang magandang disenyo sa loob nito dahil di n’ya inakalang ganoon ang isang clinic para sa HIV.

Pagpasok ay agad s’yang tinanong ng receptionist, isang volunteer, kung ano ang kanyang pakay, at sumagot naman s’ya na kung para ba ito sa HIV Testing.

Lumapit at inalok naman siya ni Neithan, ang coordinator ng clinic, ng iPad.

“Sir, paki-fill-out lang po ng mga information na hiningi. Maraming salamat.”

“Thank you.”

“Dito na lang po kayo umupo sir. Hi ming-ming...” bati pa ni Neithan pagbukas ng pinto sa isang room ng clinic.

Namangha si Ash dahil electronic ang registration at may TV pa, nabura ng clinic na ito ang lahat ng pagkabahala n’ya sa mga testing centers.

May halo pa ring pagkamangha si Ash habang umuupo, tinitignan ang paligid na may mga iba’t ibang abubot. Pag-upo n’ya ay may humawak ng kanyang kamay- Si Trey. Nasa tabi niya lamang ito at may hawak ding iPad.

“Trey?!!! Anong ginagawa mo rito? ” ang laking gulat ni Ash.

“I’m here to get myself tested for HIV. Since yesterday, I want to know my HIV status. I want to know it for us,” matapang na sagot ni Trey. Actually,  napa-isip din s’ya sa kanyang sarili noong umamin si Ash. Siya rin naman ay may mga ginagawang bagay na baka magdulot ng HIV at iba pang sexually transmitted infection (STI).

“Pero bakit dito Trey? At kaya ba andito si Estrella?” tanong ni Ash.

“Google! And there, I’m here. This place is kinda cool actually.”

“Ang ganda noh? Kakaiba,” dugtong ni Ash.

“And that cat, she sneaked out again. Maybe looking for and missing her daddy. Good thing she found you- his real dad,” pagtukso ni Trey na parang mas naging maaliwalas ang damdamin.

“Trey, patawarin mo ako,” ani Ash pagka-tapos mag-register sa iPad.

Inakbayan ni Trey si Ash at sinabing: “Baby, you don’t have to say sorry. You’ve done it before we’re even together.”

Sa loob-loob ni Ash ay kinilig s’ya.

“And please let’s not do this just  to prove something to each other, but because we want to take care of ourselves and that would translate to taking care of each other. Di ba?” paliwanag ni Trey.

Niyakap ni Ash si Trey, yakap na nagsisimbolo ng pagtanggap sa mga bagay na nakalipas na at ng paparating pa lang na puno ng pagmamahal.

“Excuse po. Tapos na po ba tayo sa pag-register?” ang tanong ni Neithan.

Nagkatinginan na lamang ang dalawa at natawa, sabay bigay ng mga iPads sa clinic coordinator

~~~

Napanatag ang loob ni Ash dahil kasama niya ang kanyang kasintahan sa mga oras na iyon upang magpa-test. Kinakabahan pa rin s’ya dahil sa mga pwedeng maging resulta. Ngunit, alam naman n’yang andyan si Trey upang sumuporta anumang mangyari.

Tinawag na ang kanilang numero upang i-pre-test counseling at para kunan ng dugo. Pareho silang kinakabahan habang ginagawa ang mga test procedures.

Matapos ang counseling, at pagkuha ng dugo ay naghihintay silang magkahawak ang mga kamay. Humigit-kumulang dalawang oras din nilang pinag-usapan ang kanilang mga gagawin anuman ang maging resulta.

Hanggang muling tawagin ang kanilang numero para sabihin ang resulta ng test. Sumailalaim muna sa post-test counseling ang dalawa. Si Jack ang counselor ni Ash at si Alexis naman ang kay Trey.

Magkahiwalay sila ng kwarto kaya muling nanumbalik ang kaba sa puso ni Ash.  Tinanong ni Jack kung handa na ba si Ash malaman ang kanyang resulta.

“Kinakabahan ako, pero sige bahala na.”

Ibinigay ni Jack ang selyadong sobre kay Ash.

Pagka-kuha ng sobre ay hindi maipinta ang nararamdaman ni Ash. Sasabog na yata ang dibdib n’ya sa posibleng maging resulta ng test. Inihanda na n’ya ang sarili kung anuman ang maging resulta lalong-lalo na kung nag-reactive o positive siya. Malalim na paghinga. Dahan-dahang binuksan ang puting sobre. Inilabas n’ya ang dalawang nakatuping papel at binasa ang nakasulat. Laking gulat n’ya na ang kanyang resulta ay:

“Non Reactive to HIV-1 & HIV-2”

Isang malaking ngiti ang bumati sa kanyang mukha kasabay nang pagkislap ng kanyang mga pumupulang pisgni. Laking pasasalamat n’ya at negative s’ya.Excited na s’yang ibahagi ito kay Trey. Bago umalis ay niyakap n’ya ang mabait n’yang counselor para magpasalamat, ‘tsaka tuluyang lumabas ng kwarto.

Pagka-labas n’ya ay dali-dali nitong inilibot ang mata upang hanapin si Trey kung tapos na ito, ngunit di pa niya ito makita.

Kaya matiyaga s’ya kasama ang alagang pusa na naghihintay habang nakaupo sa mala-kayumangging sofa ng clinic. Kinakabahan s’ya dahil parang iba ang tagal ng post-test counseling ng kasintahan. Lumipas ang ilang saglit ay lumabas na si Trey na hawak-hawak ang isang puting envelope. Dahan-dahang lumapit si Trey at niyakap ang kasintahan.

Samantala, blanko naman ang nasa isipan ni Ash dahil di niya maintindihan kung ano ba ang resulta ng kasintahan. Hanggang sa bumulong si Trey, “Baby, it’s non-reactive.”

Yumakap ng mahigpit si Ash at sinabing:“Ako rin non-reactive.”

Lalong humigpit ang pagkakayakap ni Trey kay Ash. Alam ng kanilang mga puso at naintindihan ng buo nilang katauhan ang ibig sabihin ng paghigpit ng mga yakap nila para sa isa’t-isa.

“Let’s go Ash, naghihintay sa atin sila Ceres,” pagyaya ni Trey habang nagnakaw ng isang halik sa pisngi ng kasintahan.

“Ikaw talaga Trey! Humanda ka sakin!” pagbabanta ni Ash.

“I’ll definitely prepare for that babe!” sabay kindat ni Trey sa kasintahan.

Hinihila ni Trey ang kaliwang braso ni Ash upang lumabas na ng clinic, pero dinampot pa nito ang pusang mukhang nakiki-celebrate sa kanilang magandang resulta at pagbabati ng dalawa.

“Miaaoooo.”

~~~

Nakabibingi ang sigawan ng mga tao at lakas ng pagtugtog ng banda habang inaawit ni Trey ang kanyang bagong single sa kaniyang concert.

Sila Ash, Ceres, Girlie at Jerson naman ay nakataas ang mga kamay at iwinawagayway sa saliw ng ritmo ng awitin.

“We love you, Trey!” Sabay-sabay na sigaw nilang apat.

“I love you too, guys!” sambit ni Trey sa mikropono na may kasamang kindat sa direksyon nilang magbabarkada habang tinutugtog ang instrumental.

Matapos ang napakagandang awitin, itinaas ni Trey ang kanyang kamay para awatin ang sigawan at palakpakan ng mga tao. Tila ba parang nahawi ni Trey ang pandemonium na nagaganap.

“Before I end the last set and sing this song, I would like to let the people know that I wholeheartedly dedicate this song to a very special person in my life right now.” At nagsigawan ang mga tao.

Tuwang-tuwa na tinutukso nila Ceres, Girlie, at Jerson si Ash na napaka-swerte nito at siya ang taong tinutukoy ni Trey.

“Woooooh! Ash!!! This last song is for you daw oh!” banat pa ni Ceres.

“Ano ba guys! Wag n’yo nga akong pakiligin,” sabi ng namumula nang si Ash sa kilig.

Tinugtog ni Trey ang unang chord at nilaro ng kanyang mga daliri ang bawat strings ng gitara.

“I dedicate this song to my one and only baby boy… ASH!”

Laking gulat ng mga tao at sinabayan ito ng mga sigawan, hiyawan at pagkatuwa sa mga narinig at isinagaw ng mang-aawit.

“I love you, Ash!” sabay turo ni Trey sa lugar kung nasaan si Ash.

“I love you too!”
~~

Harana Team

Creatives

Writers
Kevin Tuazon
Joma Ragragio
Billie Bautista
Kurt Silvano
Raybert Domingo
Jay Fernando
Kris Tangco

Artists
Franco Moje
Jabar Esmael
Jack Torres

Head Writer
Jay Fernando

Chief Artists
Brian Joseph Barretto
Vince Condicion

Graphics & Design
Geno Maglinao
Mark Long

Management

Editors
Jay Fernando
Raybert Domingo
Joma Ragragio
Josh Cheng
Kris Tangco

FGD Group
John Ian Baytamo
Wesley Bombarda
Reynaldo Atacador

Project Lead Coordinator
Kris Tangco

Marketing & Promotion (Social Media)
Billie Bautista
Paul Junio

Marketing & Promotion (Research)
Mickey Jamias
Kris Tangco
Chris Rashid Gerarcas

Technical Support
Edgie Guevarra
Dalton Claudio
Roro Tugade

Content Manager
Mickey Jamias

Communications Head 
Kurt Silvano
~~
At sa ngayon ay nagwawakas ang istorya ng Harana. Kung susuriin, naging matapat si Ash sa kaniyang sarili, at sa kaniyang pagiging tapat sa sarili, ay higit pa niyang nabuksan ang sarili sa hiwaga ng pag-ibig. Natuto niyang mahalin ang sarili upang ipasabuti ang pagmamahal kay Trey, at nakatulong din sa paglago ng kaniyang unawa ang pagmamahal niya kay Trey. Sa puno’t dulo ng lahat ay ang kakayahan ni Ash at Trey na magmahal. 

Nawa’y magpatuloy ang matamis na pagsasama ni Ash and Trey.

Ikinalulugod naming marinig ang inyong pahayag tungkol sa inyong nabasa, kaya inaanyayahan namin kayo na magbahagi ng inyong mga pananaw sa comments section sa ibaba.

Comments

  1. Maganda po yung story pero masyadong bitin po hehe.. Sana masundan ito. Or maybe other stories to relate. Thank you and more power po.

    ReplyDelete
  2. Sobrang ganda ng kwneto! Kinilig ako, tumawa, nainis, nagalit, umiyak, lahat na. May Season 2 ba to? Looking foward sa susunod na mangyayari sa love story ni Ash and Trey!! Napaisip ako sa posibilidad na magkaroon din ako ng ganitong love story. Haha!! KILIG MUCH!!! Maraming kapupulutan ng aral. Maraming salamat at kudos sa pagbahagi ng ganitong kwento. Gawa pa kayo ng mas marami please! #LoveYourself #LoveWins

    ReplyDelete
  3. Naiyak po ako promise ;-) . Ang sweet sweet nila sa isa't isa. I really really love this story. Thank you po for a VERY GOOD STORY :-) GOD BLESS po.

    ReplyDelete
  4. Wow..nice, not just nice, very very nice..honestly first time ko mag basa ng ganito hehehe..hnd kc ako sanay magbasa ng love story hahaha but na mangha ako s kwento..

    ReplyDelete
  5. 4:36 am na at katatapos ko lng basahin to. good job guys!! feeling ko kaya Naga to dahil kay Kurt. hehe

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The History of LGBTQ+ Visibility in the Philippines

GBGB LoveYourselfExclusive Products! available now

Free HIV Testing on Saturdays and Sundays