Harana Chapter 7: Ooooh "Love" Hurts
Harana Chapter 7: Ooooh “Love” Hurts
“Miao… miaaaao…"
Ito ang tunog na bumati sa umaga ni Ash habang kinakadena ang bisekleta niya.
Pasukan nanaman, ngunit bakas na bakas pa rin sa kanyang pisngi ang pasang dulot ng pagsuntok at hampas ng baseball bat ni Mr. Dusmas. “Ming-ming…ayaw ko na masuntok ulit please lang, wag ka na magmiao-miao ng kamalasan. Lunes na Lunes eh,” bitaw ni Ash sa naglalambing na si Estrella Monella.
Habang naglalakad patawid ng kalsada sa tapat ng Engineering building naisipang i-text ni Ash si Trey para batiin at tanungin kung ok na ba ito.
“Good morning Trey. Kamusta? =D” text niya.
Ibubulsa na sana ni Ash ang cellphone nang mabangga ito ng nagmamadaling estudyante at mahulog ang cellphone niya.
“Shit cellphone ko!” gulat ni Ash habang hinahabol ang paglaglag ng cellphone.
“Sorry pre!” paghingi ng tawad ni Anton; dito siya nagulat nang makitang si Ash pala ang nabangga.
Inaabot nito ang kamay para tulungan s’yang tumayo, “Pasens’ya ka na puppy eyes. Ikaw pala yan. Sorry, I’m in a hurry. Ok ka lang?”
“Ok lang, ayos pa naman yung phone ko…matetext ko pa si Trr…” sambit ni Ash na pinigil ang pagbanggit ng pangalan ni Trey.
“Huh?!!...By the way, I heard you and Trey got into trouble ah. Are you ok now?”
“Ah…oo, may kaunting pasa lang” naiilang na sagot ni Ash.
“Good! Anyway, I’ll go ahead. Bawi ako sa’yo.” habang nagmamadaling lumayo si Anton.
"Promise yan pup!" sigaw pa n’ya. Ngunit dedma lang si Ash dahil nasa isip lang niya si Trey.
Nasa loob na ng classroom si Ash at sinilip kung may reply na ba ang taong sa tingin n’ya ay nagiging mahalagang parte na ng buhay niya. Ngunit, walang reply. Kaya naman “Pssssst!” ang medyo naiinis n’yang text kay Trey.
Natapos ang araw, ni Hi, ni Ho walang paramdam si Trey. Napaisip tuloy siya baka may nangyayari na naman dito. Bulong n’ya sa sarili: Sana wala naman. Habang umaasa pa rin na sasagutin s’ya ni Trey.
Nag-vibrate ang cellphone ni Ash habang naglalakad pauwi ng dorm. Dali-dali n’ya itong tinignan at binuksan, si Ceres pala.
“Are you ok? Nakita ko si Anton. He said something about last Friday. Sorry. It shouldn’t happen if I went to the Psych Circle. Sorry talaga.”
“Ok lang. Hindi mo naman kasalanan,” sagot ni Ash na iniisip pa rin si Trey.
“Thank god you’re ok,” reply ni Ceres.
“Salamat sa concern. =)”
~~~
“Good morning,” ang unang text ni Ash kay Trey kinabukasan.
“Good morning pa rin yan ha kahit di ka nagpaparamdam. =D”
“Lunch ka na po. =)”
“Done with my class today, ikaw?"
"Yuhuuuu?!! =("
Buong araw na namang naghintay si Ash sa reply ni Trey. Di rin naman ito nagpapakita sa kanya sa campus.
Lumipas din ang Miyerkules, Huwebes at buong araw ng Biyernes, wala pa ring anino at kaluskos si Trey sa buhay ni Ash.
Dahil weekend naman, tinext na lang niya si Ceres para may makasama ngayong Friday.
Agad nag-reply si Ceres:
“Ash, I’m so sorry I’m bound for Baguio this evening…family affair something. Goodluck bilang signal no.1 na ang #PedroPh sa north. Try calling Girlie or Jerson.”
Lalong nalungkot si Ash kaya hindi na ito nagreply at naisipang umuwi na lang.
~~~
Habang walang ganang naglalakad sa madilim na kalsada sa harap ng College of Music building, biglang inakbayan siya ng isang lalaki at may parang tinusok sa likod niya. Sa pag-aakalang holdaper ito, sobrang kumabog ang dibdib ni Ash at hindi maka-kilos.
“HAHAHA!!!” paghalakhak nang malakas ni Anton.
“Baliw ka talaga! Kinabahan ako!” naiinis na sambit ni Ash habang tinulak palayo si Anton.
“Mukha ka talagang naholdap. Haha!!!” lalo pang pang-aasar ni Anton.
“Ewan ko sa’yo!” bwiset na sagot ni Ash na patuloy na naglakad.
“Joke lang ha. When I saw you, para kang natalo sa lotto pup. ‘got a problem?”
Di sumagot si Ash.
“going where?” pangungulit ni Anton habang sinasabayang maglakad si Ash.
“Wala. Pauwi.”
“I’ll ride you home then, baka mahold-up ka pa talaga… At saka may utang pa ako sa’yo right?” pag-aalala ni Anton.
“Nako ‘wag na, d’yan lang ako noh,” naiinis pa ring sagot ni Ash.
“Or come with me, puntahan ko si Trey… Anyway, it’s just a five kilometers drive.”
Nang banggitin ni Anton ang pangalan ay tila bagang nabuhayan ng loob si Ash, ngunit hindi niya ito masyadong pinahalata sa kasama.
“Looks like he has a problem eh… We might drink too at his pad. Friday night naman, nag-order na nga raw siya eh.” dugtong pa ni Anton.
“Ahhh…” napahinto sa paglalakad si Ash nang napagtanto ang kalagayan ni Trey- Ano kayang problema n’ya, kaya ba di s’ya nagpaparamdam?
“Ano? ‘come with me? Atsaka mukhang uulan oh.” pagpilit na ni Anton.
“Ay! Umaambon! Sige na nga…” kunwaring napilitang sagot ni Ash, dahil kanina pa talaga niya gustong sumama kasi makikita niya si Trey. Pasalamat na lang at may palusot s’yang ambon.
“C’mon, dali!” pagmamadaling utos ni Anton; nagtatakbo ang dalawa patawid ng kabilang kalsada patungo sa Mass Communication Building kung saan pinark ni Anton ang sasakyan kahit bawal.
Pagpasok nila sa royal blue na sedan ni Anton ay bumuhos na ang malakas na ulan.
May tinext lang si Anton at pinaandar din agad ang sasakyan at nag-drive na palabas ng UP.
~~~
Mabigat at mahaba na ang traffic mula Commonwealth hanggang Katipunan, dahil rush hour, kaya naman matagal-tagal na nakapagkwentuhan at medyo nagkapalagayan ng loob ang dalawa. Mabait naman pala ito, sa isip-isip ni Ash.
Sa halos isang oras nilang biyahe ay di rin natanggal sa isip ni Ash si Trey.
Kaya habang nagpapapark ng kotse si Anton ay nagbalik kay Ash ang mga nangyari noong nakaraang Sabado sa lugar na iyon na naging sanhi ng kanyang pagkabagabag.
“Are you all right?” tanong ni Anton pagkakabig ng handbreak.
“Ah, wala naman…sobrang traffic kasi. Nakakainis.” pagkukubli ni Ash.
“Ganun ba? Umuulan eh. Anyway, let’s go?” aya ni Anton na una nang lumabas ng kotse.
~~~
Nagulat si Ash na nag-aabang na si Trey sa elevator ng 20th floor ng Residencia de Regina pero agad din naman nitong kinamusta; ngunit tumingin lang ito at biglang baling ng tingin kay Anton. Tila nag-usap ng seryoso ang dalawa habang naglalakad papunta sa unit ng kanilang kaibigan.
Sa isip-isip ni Ash nasapian nanaman ng masamang espirito itong si Trey; pero on the side, kinilig din siya nang slight, dahil at least ay magkasama sila ngayon. Di pa man natatapos sa pag-iimagine si Ash ay nabuksan na ni Trey ang pintuan at biglang:
"Surprise!" ang bungad sa kanya ng mga kaibigang sina Ceres, Girlie, at Jerson habang pumapasok silang tatlo sa unit ni Trey.
"Sabi mo nasa Baguio ka?"
"Di na ako tumuloy, Marcos highway and Kennon are not passable, stranded lahat ng bus." sagot ni Ceres na unang sumalubong sa kanya.
"Ash! We miss you! May dulot din pala ‘tong si Trey. Joke!" singit ni Girlie. "At saka ang gwapo pa n’ya" bulong niya na narinig naman ni Jerson. Kaya malambing na siniko ito ng boyfriend.
"Ano ba talagang meron ngayon?" nagtatakang tanong ni Ash.
"Biglaan eh. Ceres just informed us.” ani Girlie.
“Buti na lang we’re just around the vicinity, sa may Starbucks sa Katips, kaya nauna pa kami. Ayos di ba?” paliwanag ni Jerson.
“But you know Ash, what matters most is we’re all here!!!" masayang dugtong ni Girlie.
Pero sa totoo lang, sinabihan agad ni Trey si Ceres nang mag-text si Anton na kasama niya si Ash sa pagpunta sa kanya. Alam ni Trey na mao-awkward siya sa presence ni Ash kaya minabuti niya na may iba silang makasama; buti na lang ay free rin silang tatlo.
Bago pa man makapag-isip ng kung anu-ano si Ash ay umakbay-barkada na si Anton sa kanya at bumulong ng “Thank you for saving my friend, puppy eyes.”
“Is that it? Kaya ba may ganito?” sagot ni Ash na naasiwa sa pag-akbay ni Anton.
“Maybe. But it’s Friday you know!”
Tinanggal ni Ash ang pagka-akbay ni Anton nang lumapit si Trey.
“Let’s start? Food and drinks are ready,” aya ni Trey sa mga bisita na halatang umiiwas kay Ash.
Humiwalay si Ash kay Anton; kaya naman inaya na rin ni Anton ang lahat "Come on! Let's party!" sabay kuha at abot ng mga inumin.
Dahil hindi siya sanay uminom, juice lang talaga ang iniinom ni Ash; pero pinipilit pa rin siya ng mga kaibigan na uminom kahit isa lang.
Buong gabing nagsaya at nagkwentuhan ng mula sa mga pinaka-walang kwentang bagay hanggang sa mga personal na karanasan ang magkakaibigan. Kaya naman feeling close na si Anton; di rin nito nilubayan si Ash buong gabi. Si Trey naman ay nasa sulok lang at pinagmamasadan ang mga ito. Ngunit tuwing lumalapit si Trey ay consciously dumidistansya si Ash sa kasama.
Napabilib din si Ash sa “friendship ability” ni Anton, dahil palagay na ang loob nilang magbabarkada sa kanya; nagkapalitan pa nga sila ng number at nagka-addan sa Facebook at follow sa Instagram.
~~~
Alas-dos na ng madaling-araw nang nagsi-uwian ang mga bisita ni Trey maliban kay Ash na nakatulog na sa sofa, dahil sa antok at malamang sa isang shot ng vodka na napilit ipainom ng mga kasama.
Umupo si Trey sa tabi ng natutulog na si Ash. Ito ang unang beses na lumapit siya rito buhat nang siya’y nagsimulang umiwas. Pinagmamasdan ni Trey ang mala-anghel na mukha ni Ash.
Tumayo si Trey para kumuha ng kumot at unan para sa natutulog nitong bisita.
Kinumutan niya nang dahan-dahan si Ash. Naglaro tuloy ulit sa isipan ni Trey ang mga linya ni Ash na “Kung hindi ka kasi naniniwala sa pagmamahal, pwes ako oo!”
Tila may kumislot sa puso’t isipan ni Trey sa mga sandaling iyon. "Really, what is this I’m feeling?" bulong niya sa sarili.
Habang inaangat ni Trey ang ulo ni Ash para suksukan ng unan ay biglang naalimpungatan ito.
Pagmulat ng mata, bumungad kay Ash ang malapit na mukha ni Trey. Natigilan silang dalawa nang magpang-abot ang mga mata nila.
Inakala ni Ash na katuloy ito ng panaginip niya habang kinakasal sila ni Trey noong nakaraang linggo. At dala na rin siguro ng alak, di napigilan ni Ash na idampi ang mga labi sa mapupulang labi ni Trey.
Medyo ninamnam ni Trey ang paglalapat ng kanilang mga labi, bago niya ito naitulak nang mapagtanto n’yang lalaki ang kahalikan nya.
"I'm not gay dude!" sigaw ni Trey, na lumayo ng bahagya sa sofa.
Nagising ang buong diwa ni Ash at bumangon nang marining ang sigaw ni Trey.
Dahil wala nang magawa ay umamin na si Ash ng tunay na saloobin habang matindi ang pagkaka-kapit sa kumot. "Mahal kita! Hindi ko alam pero mahal na ata kita Trey!”
Napatungo si Ash at sinabing, “Ngayon ko lang naramdaman ang ganito," sabay pumatak ang luha ni Ash nang di n’ya namamalayan.
“That’s not my problem!” tensyonadong sagot ni Trey.
Hindi na napigilan ni Ash ang sarili, tumayo ito at sinabing, “Don't tell me you don't love me! Ayaw mo lang aminin! Yung Batangas natin! Yung packed lunch! Fuck! Ano pa...yung bisikleta!"
Umiwas lang ng tingin si Trey.
"Noong Sabado?! Ano yun?!!! Hindi ko maintindihan! Itong surprise party, ano 'to? Surprise!!!"
"I don't know! Playtime?!"
"Anong playtime?!!! Trey, I love you. I love you! Ako yung nandito. Kalimutan mo na si Trish!" habang niyuyugyog ni Ash ang ilag pa ring lalaki.
Nagpintig ang mga tainga ni Trey nang marinig ang pangalan ni Trish. "Bayad ka na sa utang mo! Now, don't get too familiar with me! I don't have any plans for you!" sigaw ni Trey.
"Eh bayad na pala ako eh! Bakit mo pa ako pinapahirapan! Ha!” galit na sagot ni Ash.
"Kinasal na siya! Wala na s’ya! Trey!" agad niyang dagdag.
"At hindi ko matanggap ‘yon!" ang galit na galit na sagot ni Trey na iba na ang timpla ng mukha.
Nanginginig si Ash sa gulat.
"For the record, I’m not gay!"
Halos limang minuto ng hingal lang ng dalawa ang maririnig nang sabihin ni Trey na "Leave..."
Nakatangang nanginginig pa rin sa mga pangyayari si Ash.
"Leave me alone! Get out!" sigaw ni Trey habang pinagtutulakang palabasin ng pinto ang nangangatog pa ring si Ash.
~~~
Malakas pa rin ang ulan paglabas ng condo ni Ash, na para bang nakikisama ang panahon sa tindi ng nararamdaman niya. Sinugod niya ang ulan at pumunta sa sakayan ng tricycle. Mag-aalas tres na nang makarating itong umiiyak pa rin sa bagong condo ng SM sa tabi ng Ateneo at pumasok s’yang basang-basa sa isang convenient store. Doon niya binuksan ang cellphone para humanap ng saklolo. Napansin niyang may one unread message siya na sent by a number at 1:08 a.m., kaya binuksan niya agad ito:
"Hi Ash. Anton here. Sorry, I have to leave early, may dinaanan pa kasi ako sa Cubao. Atsaka tulog ka na kanina. Ingat ka dyan kay Trey. hehe"
Sa sakit ng nararamdaman, basang-basa at walang makapitan, pinindot niya ang call button at kinapalan ang mukha na magpasundo kay Anton.
'Hello Ash?!... Oh, why are you crying?"
"Can I sleep over? Nasa may convenient store ako near the Katipunan-C5 overpass. Please Anton. Please..." ang nagmamakaawang hiling ni Ash.
"Wait, why? What happened? Sige wait for me there. In 5 minutes, Aurora na rin naman ako. Don't wet your puppy eyes, ok."
"Salamat..." ang nanghihinang sagot ni Ash.
~~~
Akay-akay ni Anton ang tumahan na ngunit tuliro pa ring si Ash pagpasok sa unit nito sa Berkeley.
Pagbukas ng pinto ay binuhat na niya ito papasok sa unit, diretso sa kwarto para magbihis ng tuyong damit. Binuksan ni Anton ang lampshade na may malamlam na ilaw upang magkaroon ng liwanag ang kwarto.
Binuksan ang cabinet at binigyan ni Anton ng t-shirt at boxer shorts si Ash na agad naman nitong kinuha upang magpalit.
“Salamat” mahinang sagot ni Ash.
Di na umalis sa pwesto si Ash at nagsimulang magbihis; hinubad ang sapatos, tapos ang t-shirt at ibinababa ang pantalon. Nakasalawal na lang si Ash na hindi na nawaring kasama niya si Anton.
“Ano bang nangyari sa’yo?” tanong ni Anton na isa-isa na ring hinuhubad ang suot na damit para magpalit.
Napa-upo si Ash sa kama pagkatapos magbihis at napaluha nang maalala ang nangyari sa kanila ni Trey just an hour ago.
“Hey hey hey...” lumapit si Anton na tapos na ring magsuot ng puting t-shirt at light blue na boxers, at umupo sa tabi ni Ash upang patahanin ito, “Don’t cry…”
Yumapos ng yakap si Ash at bumulong kay Anton ng pasasalamat.
Humihikbi-hikbi pa si Ash nang iniharap ni Anton ang mukha niya na may nangingilid pang mga luha sa mata. Iniisip ni Ash na si Trey sana ang kasama niya, hanggang malamon siya ng nagpupuyos niyang damdamin. Kaya bago pa man makapagsalita ulit si Anton ay hinalikan niya ito, udyok ng damdaming laan dapat kay Trey –ang taong binalewala lang s’ya.
Dahil sa taas ng emosyon ni Ash ay nadala na rin si Anton.
Patuloy ang paghahalikan ng dalawa hanggang maihiga ni Anton si Ash.
Hinubad ni Anton ang damit na kasusuot lang.
Hinila ni Ash ang ulo ni Anton para halikan muli. Tinaas ni Anton nang dahan-dahan ang t-shirt ni Ash hangang sa dibdib. Nilamutak ng dila niya ang lahat ng madaanan nito. Hindi mawari ni Ash ang nararamdaman at tuluyan nang hinubad ang damit, habang si Anton naman ang dahan-dahang nagbaba ng kanyang hiniram na shorts at kulay lila na brief.
Hubo't hubad na si Ash. Ngayon lamang ito nakitang hubo ng ibang tao, pero hindi na niya ito inalintala dala na rin sa nag-uumapaw niyang damdamin. Wala na rin sa isip nito ang gumamit ng proteksyon at pampadulas, dahil first time at kulang siya sa impormasyon. Maging si Anton ay di na rin naisip ito, nadala na silang dalawa ng sitwasyon.
Kakaiba ang nararamdaman ni Ash habang nakahiga sa kama ni Anton. Dahil sa mga oras ding ito ay hindi pa rin niya matanggal sa isip si Trey. Ito rin ang dahilan ng nagwawalang damdamin niya na siyang nag-uudyok sa kanyang mga kinikilos.
Hinila ni Anton si Ash para iayos ang kanilang hubad na mga katawan sa kama.
Di na namalayan ni Ash na wala na ring saplot sa katawan si Anton. Kitang-kita niya ang ganda ng hulma ng katawan at ang makisig nitong pagkalalaki, na para bang niroromansa ng malamlam na liwanag ng kwarto.
Dahan-dahang pumatong si Anton sa ibabaw ni Ash.
Naglapat na ang kanilang nag-iinit na mga katawan at sabay na umindayog sa sayaw ng kanilang mapupusok na damdamin.
Sa unang bugso ng kalakasan ni Anton ay umiling sa sakit si Ash, pero nilabanan niya ito ng mga mahihigpit na yakap at mapangahas na mga halik.
Nasasaktan man si Ash kapag bumabayo si Anton ay mas nararamdaman pa rin niya ang sakit sa puso niya na tila winasak ng Bagyong Trey.
Nagpatuloy ang pagbulusok hanggang dumating sa rurok ng pagnanasa at damdamin ang dalawa.
“Uuuuuhhhh” ang sabay na sigaw nila nang matapos ang indayog ng kanilang nagbabagang damdamin. Damdamin na di naman tugma at laan para sa isa’t-isa.
~~~
Halos eleven-thirty na nang magising si Ash. Mag-isa na lang ito sa kwarto at may pagkain na sa tabi ng lamesa at may note.
"Sana pag-mulat ng puppy eyes mo wala na itong luha. Kain ka na rin. Good morning. Don’t worry walang makaka-alam. =)"
Nilingisan ni Ash ang kumot na puti at unan na asul, dahil sa di maipaliwanag na nararamdaman sa nangyari sa kanila ni Anton, at lalong-lalo na sa iisipin ni Trey sa kanya.
Biglang tumunog ang phone: "Nauna na pala ako, may pupuntahan ako sa Pasay. I-lock mo na lang ang unit ha pag-alis mo." text ni Anton.
Di n’ya ito nireplyan para umiwas, dahil sa guilt at regret na nararamdaman.
Napagtanto ni Ash na tanghali na nga, ngunit bago pa ito tuluyang tumayo ng kama ay saka palang nito napansin na malinis at maayos ang kwarto ni Anton. Light blue ang pintura ng dinding na may mga abstract paintings pa na nakasabit. Tila masayahin at maganda ang disposisyon sa buhay ng inakala n’yang barubal na tao. Ngunit napagtanto rin niyang, ito ang unang taong pinagbigyan niya ng laman at sarili.
Bumangon, naglinis ng katawan, at kinuha at isinuot ang tuyo nang mga damit bago umalis si Ash. Kailangan pa pala niyang pumunta sa Registrar ng U.P., dahil may kailangan pa siyang asikasuhing requirement.
~~~
Makalipas ang weekend, walang paramdaman si Ash at Trey sa isa't isa. Maging si Anton di rin n’ya pinapansin sa sobrang hiya n’ya sa ginawa.
Gulong-gulo ang isip ni Ash sa mga panahong ito, ngunit alam naman n’ya talaga ang nilalaman ng puso't isipan.
Sa kabilang banda, ganun din si Trey na araw-araw umiinom ng dalawang bote ng Red Horse para makatulog simula nang maghiwalay sila ni Ash ng gabing iyon. Halos parehas ang sitwasyon at nararamdaman n’ya ngayon nang maghiwalay sila ni Trish.
"What is happening?!!"
"I love you too but I can't love you..." ito ang mga salitang paulit-ulit na umiikot-ikot sa isipan ni Trey na parang biyahe ng jeep sa loob ng UP.
~~~
Lumipas pa ang ilang araw… linggo… nagkikita lang si Ash at Trey sa malayo. Parehas silang takot na lumapit sa isa’t isa. Pero sa totoo lang, magkalayo man sila, magkadikit naman ang kanilang mga damdamin:
Napapansin ni Ash ang sasakyan ni Trey na naka-park sa usual nitong parking space. Si Trey naman ay paminsan-minsang nakikitang dumadaan si Ash sa harap ng kanyang sasakyan na sakay ng bisikleta.
Madalas ding nasa isang sulok lang si Ash at mahigpit ang hawak sa phone pagkat gustung-gusto niyang tawagan at kausapin si Trey. Hinding-hindi n’ya rin mapatawad ang sarili sa ginawa nila ni Anton na feeling n’ya ay nagtaksil s’ya sa mahal niyang si Trey. Actually, mas nahihiya pa nga siya kay Trey, kaysa sa sarili niya. Pero alam n’yang di niya na mababago iyon, nangyari na ang nangyari. Ngunit lalong di niya mababago na di sila pwedeng magsama ni Trey kahit ipaglaban pa niya ito.
Paminsan naman ay tinitignan ni Trey ang mga pictures sa phone niya at madalas humihinto sa mga pictures nila ni Ash, group man ito, selfie o stolen shot. "Hindi kita pwedeng mahalin pero paano ko naman gagawin yun?" ang palaging tumatakbo sa isipan niya. Ngunit kahit subukang buksan ni Trey ang puso ay mas nangingibabaw pa rin sa puso’t isipan niya ang hiya at takot na umibig sa kapwa lalake.
Parehas silang may tanong na "bakit" at dahilan na "pero." Ngunit ito rin ang dahilan kung bakit dahan-dahang namamatay ang kanilang mga damdamin para sa isa’t-isa kasabay ng paggunita ng undas.
Lumipas pa ang mga araw, at halos patapos na rin ang sem ay wala pa ring nangahas lumapit sa kanilang dalawa. Dalawang beses pa nga silang nagkasalubong sa PHAN kasama ng mga kaibigan, pero ang mga matang nangungusap lang ang nagbatuhan ng kanilang tunay na saloobin. Pinagtataka na nga rin ito ng mga kaibigang sina Ceres, Girlie at Jerson, pero wala ring sumubok na magtanong.
Mahirap, masakit, pero patuloy nilang kinimkim ang damdamin sa mga sumunod pang mga araw hanggang magsara na ang unang semestre. Walang batian, walang usap-usap, at walang kahit ano.
Pero sa totoo lang, laman ng puso’t isipan nilang dalawa ang isa't-isa.
~~
Nabuwag ang dati-rati'y malapit na pagsasamahan ni Ash at Trey at dahil sa udyok ng damdamin na dala ng sakit ng rejection, nakagawa ng mga bagay si Ash na kaniyang pagsisisihan.
Matatanggap ba ni Trey ang isyu na kaniyang hinaharap tungkol sa kaniyang sexuality? Sa tingin niyo ba'y manunumbalik pa ang dating samahan ng ating dalawang bida? Abangan ang kasagutan sa mga sumusunod na kabanata. Ang Chapter 8 ay nakatakdang ilathala sa December 2.
Ikinalulugod naming marinig ang inyong pahayag tungkol sa inyong nabasa, kaya inaanyayahan namin kayo na mamahagi ng inyong mga pananaw sa comments sections sa ibaba.
Comments
Post a Comment