Harana Chapter 1: It's Just a Little Crash



Harana Chapter 1: It's Just a Little Crash

“Aaargh!!!” Sigawan ang mga boys sa boarding house na tinutuluyan ni Ash.
Akala mo tuloy may nangyayaring kung ano sa loob. Pero actually, nagising lang naman sila. Unang araw kasi ng klase, ta’s kagabi nag-inuman sila na hindi alam ng dorm manager nila. Kaya ayun, late na silang nagising lahat.

Lahat  ay late maliban kay Ash, na wala pa atang 5 AM ay gising na. Maaga kasi niyang sinet ang kaniyang alarm clock. Hindi rin siya sumali sa inuman kagabi. Hindi kasi siya umiinom. More than anything, he’s excited to go to school! First day sa kolehiyo. First day sa bagong chapter ng buhay niya dito sa Maynila. “Wag na wag kang male-late anak ha!” Yan ang sinabi ng nanay niya sa kaniya noong tinawagan siya nito mula sa probinsiya. “Opo inay! At saka mag-aaral talaga ako nang mabuti kasi alam ko naman kung gaano kahalaga sa atin ang makatapos ako.”

Kaya unang araw ng pasukan, dali-daling sinakyan ni Ash ang binaon niyang bisikleta papuntang campus. At kung ang ibang tao puno ng pangamba tuwing may magsisimulang bagong yugto sa kanilang buhay, si Ash, ready siya. Kinakabahan din siya, pero mas excited siya. Bago nga siya lumabas ng boarding house, sumigaw pa siya ng “Aja!”. Napanuod niya iyon sa TV noon, kaya ginaya na niya kahit hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin.    

Bata pa lang, balak na niyang umalis ng probinsiya nila sa Naga para tuparin ang kaniyang pangarap na magtapos ng kursong Civil Engineering sa UP. Kaya naman unang padyak niya pa lang ng bisikleta sa loob ng campus, ramdam na niyang dito siya nararapat.

Masaya si Ash sa preskong simoy ng hangin dahil kahit papaano napapaalala nito ang kaniyang pinanggalingan. ‘Di niya mapigilang mapangiti kapag nakakakita ng mga taong iba’t iba ang pinanggalingan pero masayang magkakasama. Habang nagba-bike, tinitignan niya ang mga flame trees na agaw eksena ang kagandahan. Wala ata kasing ganuon sa Naga. 

Then suddenly, nakakita siya ng pusang kakaiba – may heart-shaped tattoo sa noo at may collar na suot na may nakasulat na “Estrella Monella.” “Mingming... mingming...” Tinawag pa ni Ash ang pusa pero tumingin lang ang pusa sa kaniya na para bang pinahihiwatig na may masamang magaganap. 

Meron nga. Sa sobrang focus ni Ash sa pusa, hindi niya namalayan na may nakaparadang kotse sa harapan niya. Nagasgasan niya ang kotse! Pero ok lang, sana walang tao sa loob. Sana walang nakakita. 

Pero hindi pa man siya nakakalayo,  may lumabas sa loob ng kotse. Pupungas-pungas pa at mukhang bagong gising. Nang lumabas ang lalaki sa loob ng kotse, ang unang napansin ni Ash ay kung gaano katangkad ito. Hanggang dibdib lang si Ash ng lalaki, na tantiya niya siguro nasa 5’11”. Mukhang anak mayaman, kasi sobrang kinis at maputi, na hindi gaya niyang sanay sa arawan. 

“What the hell's wrong with you!? Are you so stupid!?” Sinigawan siya ng lalaki.

Nanlaki lang ang mata ni Ash. Hindi siya sanay na sinisigawan.

“Di ko sinasadya, sorry!”

“Bayaran mo yan!”

Gulu-gulo ang buhok ng lalaki, pero sa suot niyang leather jacket at punit-punit na skinny jeans, mukhang gulu-gulo ang buhok niya hindi dahil bagong gising siya kun’di dahil iyon ang signature look niya. Hindi makagalaw si Ash, pero hindi niya rin maalis ang mga mata niya sa lalaking nasa kaniyang harapan. Pansin niyang bumilis ang tibok ng puso niya at tumutulo ang malamig na pawis sa kaniyang noo. 

“A e wala akong pera...”

“And that’s my problem because...?”

Papalapit nang papalapit ang lalaki sa kaniya. Gustong iiwas ni Ash ang mukha niya sa lalaki. Pakiramdam kasi niya, mabaho ang hininga ng lalaki kasi nga bagong gising ito at hindi pa nakakapag-toothbrush.

“Do you know who I am?!"

“Bakit, sikat ka ba?” 

Sa sagot ni Ash, natawa nang bahagya ang lalaki. Kitang-kita ng lalaki ang kaba sa mga mata ni Ash. Naisip nito, “Hmmm… I guess I found another loser to play with.”

“Ano’ng pangalan mo?” tanong ng lalaki kay Ash.

“Ashton Marquez. First year. ” 

Lalapit lalo ang lalaki kay Ash, sobrang lapit at yuyuko pa kaya magkakatapat ang mga mata nina Ash at ng lalaki. Titignan ng lalaki si Ash sa mata. 

“That’s my car you just scratched. Do you know how important that is to me? What are you gonna do about it?” Mahinahon pero nakakatakot na sinabi ng lalaki.

“A... e...”

Sa isip-isip ni Ash, kakaiba ‘tong lalaking to, mabango pa rin ang hininga kahit hindi nag-toothbrush, buti na lang.

“Ipapagawa ko, pero hindi ngayon. Wala nga akong pera.”

Ngingiti ang lalaki sa sinabi ni Ash.

“As long as hindi mo pa napapagawa, you’ll be mine. I’ll ask you to do me... something.”

Kinabahan si Ash sa narinig. Ano’ng you’ll be mine, ulol ba to? 

“Huh? Ano’ng you’ll be mine?”

Pero natatawa lang na lalakad palayo ang lalaki sa kaniya. Bago makapasok sa loob ng sasakyan, haharap ulit ang lalaki sa kaniya.

“And by the way, I’m Trey. Your new boss.”

Tama ba ang narinig niya? Medyo nainis si Ash dahil ang labong kausap ng lalaking iyon na umaapaw pa ang kayabangan. Pero bago pa siya makasagot kay Trey, ay nakapasok na ito sa kaniyang kotse at umalis, at naiwan si Ash na naguguluhan sa mga nangyari.
Hahabulin pa sana ni Ash si Trey at papadyak na siya nang bigla siyang makakarinig ng music mula sa malayo. “Ay peste! Alas-otso na!” Ang aga ni Ash nagising kanina ta’s dahil lang kay Trey, late na siya! Kaya magmamadali na si Ash para makapasok sa eskuwela.

Sabi nila, kapag tumitig ka raw sa mata ng isang tao, makikita mo ang soul ng taong ‘yon. Pero nung mga panahong ‘yon, habang nakatingin si Ash sa mga mata ni Trey, hindi lang soul ng kung sinuman ang tinititigan niya. Ang tinititigan pala niya ay ang soul ng taong babago sa buhay niya.       
~
Lumipas ang buong araw at natapos na din ang panlimang klase ni Ash. Masaya siya sa mga nakilalang mga kaklase, pero hindi pa rin maalis sa isip niya si Trey.
Habang naglalakad sa hallway papauwi, tumingin siya sandali sa bulletin board at doon nakita ang isang poster. Nagulat siya nang makita ang mukha ni Trey sa gitna nito. Doon niya nalaman na vocalist pala ng banda si Trey at may concert sila ngayong gabi.
Weird ang pakiramdam ni Ash. Naiinis pa rin siya kay Trey pero di niya maalis sa kaniyang ala-ala ang naramdaman nang makita si Trey. Tatakbo siya papunta sa venue.
Para bang bumagal ang paligid ng makita niya si Trey sa itaas ng stage, nakapikit, hawak ang mikropono. Maingay ang mga tao, pero tanging ang mabilis at naghuhumiyaw na tibok ng puso lang ni Ash ang kaniyang naririnig.
“Ano ‘tong nararamdaman ko?” tanong niya sa kaniyang sarili. “Sino ka ba, Trey? Ano ‘tong ginawa mo sa’kin?”
~
Ano ang hihinging pabor ni Trey kay Ash? Sino nga ba si Estrella Monella at bakit tila gumawa siya ng paraan upang magkita sila Ash at Trey?

Abangan ang mga kapana-panabik na kasagutan sa Chapter 2 na ilalathala sa September 9. 


Next Harana Chapters:

      Chapter 2

      * Chapter 3


      * Chapter 4


      * Chapter 5

      * Chapter 6

      * Chapter 7

      * Chapter 8

      * Chapter 9

      * Chapter 10

Comments


  1. " Sa isip-isip ni Ash, kakaiba ‘tong lalaking to, mabango pa rin ang hininga kahit hindi nag-toothbrush, buti na lang"

    One of the funniest lines that will make you vividly imagine and picture the entire scene.

    ReplyDelete
  2. Nice start. Can't wait for the next chapter

    ReplyDelete
  3. nakakakilig naman :) brings back the pabebe days

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The History of LGBTQ+ Visibility in the Philippines

GBGB LoveYourselfExclusive Products! available now

Free HIV Testing on Saturdays and Sundays