Harana Chapter 1: It's Just a Little Crash
Harana Chapter 1: It's Just a Little Crash “Aaargh!!!” Sigawan ang mga boys sa boarding house na tinutuluyan ni Ash. Akala mo tuloy may nangyayaring kung ano sa loob. Pero actually, nagising lang naman sila. Unang araw kasi ng klase, ta’s kagabi nag-inuman sila na hindi alam ng dorm manager nila. Kaya ayun, late na silang nagising lahat. Lahat ay late maliban kay Ash, na wala pa atang 5 AM ay gising na. Maaga kasi niyang sinet ang kaniyang alarm clock. Hindi rin siya sumali sa inuman kagabi. Hindi kasi siya umiinom. More than anything, he’s excited to go to school! First day sa kolehiyo. First day sa bagong chapter ng buhay niya dito sa Maynila . “Wag na wag kang male-late anak ha!” Yan ang sinabi ng nanay niya sa kaniya noong tinawagan siya nito mula sa probinsiya. “Opo inay! At saka mag-aaral talaga ako nang mabuti kasi alam ko naman kung gaano kahalaga sa atin ang makatapos ako.” Kaya unang araw ng pasukan, dali-daling sinakyan ni Ash ang binaon niyang bisikleta papuntang camp