Free HIV Counseling and Testing on March 4 at Makati City

The Loveyourself Project and Makati City Health Disctrict invites you to:
 BE HAPPY! KNOW YOUR STATUS!

credits to: Aura Sevilla and CD225 (UP Diliman College of Social Work and Community Development)
Ano: HIV Confidential Counseling & Testing – it’s FREE! Walang bayad!

Kailan: Sunday, 4 March 2012 (9am to 5pm)
Saan: Gen. Pio Del Pilar National High School, F. Zobel cor Morong St., Poblacion, Makati City (directly at the back of Makati City Hall)

Map:









Mga malimit na itanong:

1. Natatakot akong magpa-test. Anong gagawin ko?
Normal na kabahan o matakot ang mga taong nagpapa-HIV test. Kung hindi ka pa talaga ready, okay lang. Mayroon mga trained HIV educators at counselors doon sa event, at maaari mo silang i-konsulta. Hindi ka nila pipiliting magpa-test kung talagang ayaw mo.
2. Magkano ang bayad para makasali dito?
Ang HIV counseling ay walang bayad, libre. Gayun din ang HIV testing, free of charge din. Kung mas nakaluluwag ka naman sa pera at gusto mong tumulong, taos pusong tatanggapin ng Love Yourself ang inyong donasyon, kahit magkano man.
3. Anong dapat kong dalhin?
Dalhin lamang ang sarili. Hindi ka hihingan ng anuman, kahit pa ng ID.
4. Blood test ito, kailangan ba akong mag-fasting?
Hindi kailangan mag-fasting. Walang bawal kainin o inumin bago magpa-test -- hindi ito makaka-apekto sa HIV test.
5. First time ko itong magpa-test. Ano ba ang mangyayari doon?
Napakabuti ng iyong desisyong magpa-test. Basahin ang sumusunod bilang gabay: What to expect during your HIV test.
6. Ako ay isang babae, tunay na babae. Puwede ba ako magpa-test?
Oo. Ano ka man, babae, lalake, o anuman, maaari kang sumali at magpa-test.


Iba pang katanungan? Email info@loveyourself.ph

Special Thanks to Aura Sevilla and CD225 (UP Diliman College of Social Work and Community Development) for the video and the flyers


Comments

Popular posts from this blog

GBGB LoveYourselfExclusive Products! available now

Free HIV Testing on Saturdays and Sundays

JOB OPENING:TRANS PROGRAM OFFICER BASED IN VISAYAS