OFW Shares His HIV Test Experience

Migs the Manila Gay Guy is a big supporter of The Love Yourself Project. Below is an email from one of his blog readers, codenamed Oidlei1980, relating his experience and lessons learned from going through his HIV test. We're sharing this letter here with permission from both Migs and Oidlei1980 in the hopes that a more positive and hopeful energy would embrace all of us who are concerned with the growing number of people infected and affected by HIV here in the Philippines. As Migs would repeat in his blog, sending all of you light and love!

- o -


Dear Migs,

Greetings of Peace! (maiba namn from your World Peace!..hahahaha)

Noong una I just got interested sa mga pictures posted sa website mo and I really did enjoy those and never paid much attention sa mga blogs and any other information posted...na very ironic for me to do that because mahilig ako magbasa. Kaya noong mga panahon na yun I just spent most of my time kakatingin ng mga pictures kung ano ang mga bago and minsan kahit na view ko na cge lng ng cge...and to the point na napadalang na ang pagbisita ko sa website/blogsite mo...makabasa lang ng konti pictures na naman... but biglang nagbago ang lahat a month ago.


I am working abroad for almost 5 years na, and as a requirement every time ka na magrenew ng working visa mo you need to undergo series of medical examinations and kasama na doon ang HIV and other STD tests. I am a discreet straight acting gay...I am discreet sa family ko but I know alam nila, di lang napag-uusapan (next topic nlang yan sa next email ko sa you) sa mga friends ko here sa abroad they know but I am very discreet but not pretending to be a man (may kaibahan yun pra sa akin..another good topic to discuss sa fabcast/podcast)...so I was involved or doing MSM activities na alam natin na if hindi nag-iingat posibleng makadaupang-palad (malalim na tagalog to ha!) si Aida Macaraeg. Sa ganitong sitwasyon if you have indulged yourself sa activities na ito then magkakaroon ka talaga ng pangamba sa panahon na ikaw ay due for medical examination/HIV/STD tests. I am not really active but had several sexual encounters. Mayroon akong one sexual encounter na di safe and yun lang, and that was few years ago I had my HIV test for that year, negative naman but sabi ko sa sarili ko baka sa susunod na test na ito doon na sya madetect...kaya I have lots of fears...about my future and my family, as a breadwinner sa pamilya paano na lang if mawalan ako ng trabho after malaman na positive ako and maybe madedeport pa ako and lahat nalang na mga negatibong bagay ang sumasagi sa isipan ko noong mga panahon na iyon.

Subalit lahat ay nagbago pati na ang atensyon na inilalaan ko sa website/blogsite mo (manilagayguy.net). Biglang nagbago ang lahat a month ago, when I was due again for an annual medical examination/HIV/STD tests for the renewal of my visa. Balisa ako and hindi mapalagay at iniisip na baka dahil sa isang unsafe sex ko baka this time madetect na sya and maging positive ako. Hindi ako makatulog ng sinabi ng HR ko need ko na daw magpamedical examination for my visa but insist talaga ako na postponed muna kasi busy ako a week before and hindi ako na-inform ng maaga so baka makaapekto sa results ko na pagod ako.Ang lahat na lang na mga alibis na maisip ko para lang madelayed lang ang examination. Ang katotohanan sa likod ng mga alibis na yun ay ang takot ko na harapin ang naturang HIV/STD tests... wla akong pakialam sa other examniations doon lang talaga nakafocus ang mind ko... apektado ako ng sobra.

Dahil sa delaying tactics ko nagkaroon ako ng mahabang panahon mag-isip...educate and sarili ko sa AIDS virus na fear ko talagang magkaroon. Isang araw sa pagsusurf ko ulit sa net...binisita ko muli ang website/blogsite mo at ang lahat talaga ay parang inihanda sa akin para maeducate ako sa issue ng AIDS....tamang-tama napakinggan ko sa Fabcast/Podcast nyo ang kwento and interview sa isang dating nagwowork sa cruise ship. Doon nagsimula na mas lalo kong na-educate ang sarili ko and nabigyan ng linaw ang mga agam-agam ko kung ano ang mga tulong na makukuha ko from the government natin if uuwi ako sa pinas na positibo ako. Napaghandaan ko rin and mas naging positibo ako sa pagharap sa kung ano man ang consequences ng action ko dati. Nawala ang mga pangamba ko and mas naging open ako sa kahit anong posibillities in terms of sa pagbabago ng buhay ko. Higit sa lahat through sa blog mo nang nagshare ka about sa dilemma mo or fear mo noong ikaw mismo ang nasa sitwasyon na nagpa-HIV test ka. Iniimagine ko yon habang binabasa ko ang blog mo...but nagustuhan ko doon ang support ng sister mo sa iyo...and higit sa lahat ang idea na namention mo sa blog mo na yun na...na dapat natin harapin ang fear natin and para at least habang maaga, if positibo, then alam natin kung paano maagapan or makagwa tayo ng mga measures para maibsan ang stress, lungkot at iba pang bagay na naidulot ng pagkakaroon ng AIDS and instead magmukmok gawin positibo/makabuluhan ang buhay at maging instrumento upang makapagbahagi ng impormasyon ukol sa nakakamatay na AIDS.

Lahat ng mga impormasyon from the fabcast/podcast, emotion mo Migs na iniimagine ko while nagpatest ka baon ko yun ng nagpatest ako last month. I was so friendly sa lahat ng mga tao sa hospital although my language barriers but super friendly talaga ako. Una urine, xray, ultrasound, eyes, dental, heart, bp and last ang sa HIV/STD tests. Hindi ako takot sa injection pero takot ako sa resulta ng dugo na kinuha nila sa akin. Naging matapang ako nun kasi handa na ako sa kung ano ang magiging resulta and anong steps na gagawin ko if maging positibo ako... at yan dahil sa iyong website/blogsite. After a day ang results makukuha. Pwede in the afternoon makukuha kaya lang hindi naman nirush ng HR namin so next day morning makukuha na yun... medyo may kaba konti but carry lang... handa na nga ako...hehehehe. So hindi ako tumawag sa HR namin if nandyan na ang results hinintay ko ang after lunch para tumawag. Mga 1pm nang tinawagan ko ang HR at sabi ng assistant... d pa daw nakuha kasi tumawag daw ang accredited medical lab.hospital for visa processing nang umaga na sa hapon na daw balikan. Doon naman nanumbalik ang kaba ko and naalala ko din ang eksena na yan sa blog mo Migs na sinabi mo doon na parang natandaan ka ng medtech when you are about to see your results...same din sa akin. Feeling ko may problem kasi bakit tumawag na sa hapon pa kunin ang results maybe may problema or maybe ipapatawag na ako ng HR para sabihin na sa akin na hindi na pwede macontinue ang contract ko and hindi na maprocess ang visa ko kasi positive ako.

After kung malaman na ganun ang sitwasyon..sabi ko My God baka nga positibo ako.. kailangan kung tanggapin ito..kung baga may reasons naman for everything...doon ko na muling binalikan...ang nakalipas. ang isang sexual encounter ko na hindi safe...sabi ko bakit ko hinayaan na mangyari na makipagtalik na hindi safe.Bakit ginawa ko yun and now ako ang nagsusuffer... Sana... sana... sana... sana... lahat nalang ng mga sana ang naisip ko. Around 2pm tinawagan ko ang HR office sabi nila papunta na daw ang in-charged na HR para kunin ang results ko sa hospital...and nagpsalamat ako sa information na nakuha ko but matamlay at pilit na pasasalamat. By past 5pm tinawagan ko na ang kumuha ng results"How's the results?" tanong ko. "Everything is ok." ang sagot niya.

Alam mo na Migs kung ano siguro ang feeling ko ng malaman ko na negative ako. Parang gusto kong magwala! Gusto kong sumigaw sa saya na naging negative ako sa HIV/STD tests... kasabay ng saya ang namukod tangi ay ang lessons that I have learned out of this experience... ayaw ko na nang ganoong mga pangamba while due na nman ako sa medical examination next year... ayaw ko na ng sleepless nights... ayaw ko na ng unsafe sex. Hindi ko namn sinabi na wala ng buhay after maging positibo ka sa AIDS... in the other hand nga mas nagiging mas makabuluhan pa nga ang buhay after na madiagnosed ka na may AIDS but may mga limitasyon na...dba? Anyways salamat at negatibo tayo, and sa mga kapatid natin na naging positibo tuloy lng ang laban there is life after the diagnoses and sa mga takot at hindi pa handa harapan ang HIV test... maging matapang para sa kaligtasan ng sarili at sa kaligtasan ng mga mahal mo sa buhay.

Migs, ako ay lubos na nagpapasalamat sa mga impormasyon na ibinabahagi mo sa aming mga tagasubay-bay mo. Now na part ka na ng HIV counseling team and kasama na doon ang advocacy mo sa HIV/AIDS, nawa'y madami ka pang mga taong mabahagian ng iyong gift from Him. Keep up the good job!

More stories to share sa u and one thing for sure lagi na akong dumadalaw sa website/blogsite mo and I spent more time hindi lang sa mga pics but sa mga nakasulat dito and I even shared it also to one of my gay friend na nasa abroad din.

SALAMAT!!!

More Power! God Bless and Good Health!

World Peace!

Oidlei1980

- o -


We encourage you to share your time, skills, effort, or perhaps financial support to The Love Yourself Project. Sign up here!

Comments

  1. good luck Oidlei1980
    thank you for sharing your story :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

GBGB LoveYourselfExclusive Products! available now

Free HIV Testing on Saturdays and Sundays

JOB OPENING:TRANS PROGRAM OFFICER BASED IN VISAYAS